• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-asawa kulong sa P4M shabu sa Caloocan

BAGSAK sa kulungan ang isang mag-asawa na tulak umano ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Leo Gonzales alyas “Netoy”, 50 at Adela Gonzales alyas “Dina”, 42, kapwa ng No. 6511 Mangga St., Brgy., 178 ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Sta- tion Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activity ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong surveillance at validation.

 

 

Nang makumpirma ang ulat, isinagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang mga tauhan ng 5 th at 6 th MFC RMFB- NCRPO ang buy-bust operation sa bahay ng mga suspek dakong alas-12:30 ng madaling araw.

 

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagawang makipagtransaksyon sa kanila.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000.00, buy- bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money at isang small box.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Mangingisda sugatan sa pananaksak sa Navotas

    MALUBHANG nasugatan ang isang 37-anyos na mangingisda matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Arnold Fatagani, ng Pescador St., Brgy. Bangkulasi.     Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Navotas police habang nahaharap sa […]

  • NPC, NAGHAIN NG PETISYON KONTRA COMELEC

    NAGHAIN  ng petition for mandamus sa Korte Suprema ang National Press Club (NPC) kasama ang dalawang  civil society  organizations laban sa Commission on Elections (Comelec).     Kasama ng NPC ang  Guardians Brotherhood at Automated Election System Watch o AES Watch , hiling nila sa Korte Suprema na atasan ang Comelec na maging mas transparent […]

  • PIOLO, puring-puri ng netizens habang may panlalait kina SAM at JOHN LLOYD sa throwback post ni ERIK

    KAALIW naman ang throwback post ni Erik Santos sa kanyang IG account na kung saan kasama niya sa photo sina John Lloyd Cruz, Zanjoe Marudo, Sam Milby at Piolo Pascual.     May caption ito ng, “ASAP ‘08 in Guam! @asapofficial #Throwback .”     OMG, ganun na pala ‘yun katagal at pansin ng netizens […]