Rollout ng bigas sa ilalim ng food security emergency, ikakasa sa susunod na linggo -DA
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
IKAKASA na ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na linggo ang pagpapalabas ng rice stocks sa local government units (LGUs) kasunod ng deklarasyon ng food security emergency.
”Sa ngayon, maraming LGUs ang nagsignify ng intent but lumalabas kasi sa procedure, may documentation na kailangang gawin. Hopefully matapos lahat ng documentation between FTI, NFA to FTI, FTI to LGU and by next week maro-roll out na hopefully ‘yan,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa press briefing sa Malakanyang.
At nang tanungin naman kung ilang lokalidad ang nasa listahan, sinabi ni Tiu Laurel na ang bilang ay mahigit sa 50 LGUs.
”It’s all over the country, of course all NCR, ang maguumpisa dito sa Metro Manila, San Juan then Navotas, Iloilo is on the list,” ang sinabi ng Kalihim.
Matatandaang, idineklara ni Tiu Laurel ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council.
Sa pamamagitan ng emergency declaration, pahihintulutan nito ang pagpapalabas ng rice buffer stocks na isinagawa ng National Food Authority (NFA) para maging matatag ang presyo at tiyakin na ang bigas, isang pangunahing pagkain, mananatiling accessible sa mga consumers
Ang stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at ipagbibili sa publiko sa presyong P35 per kilo, kasama sa ‘cheapest available’ habang hangad naman ng pamahalaan na mas ibaba ang presyo ng bigas sa antas na nakita bago pa ang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023. (Daris Jose)
-
Fighting Maroons, haharabas sa abroad
SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre. Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]
-
Pebrero 25 kada taon pinadedeklara ng mambabatas bilang regular, national at public non-working holiday
PINADEDEKLARA ng isang mambabatas ang Pebrero 25 kada taon bilang regular, national at public non-working holiday. Sa House bill 9405 na inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman, pinadedeklara nitong holiday ang Pebrero 25 bilang komemorasyon sa Edsa People Power Revolution. Kasunod na rin ito sa hindi pagkakasama sa inalabas na Proclamation […]
-
Ads August 9, 2021