• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-face mask sa bahay kung may kasamang iba – DOH

Pormal nang ipinayo ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga tahanan kung may kasama kahit na kamag-anak.

 

 

Sa limang rekomendasyon na ibinigay ng DOH nitong Sabado ng gabi, kasama dito ang “Mask at home when not alone”.

 

 

“Everyone is called on to wear their mask properly, and to observe other preventive strategies, AT ALL TIMES and IN ALL SETTINGS even at home when living with other persons, especially the vulnerable,” ayon sa DOH.

 

 

Ito ay makaraan na pumalo nitong Sabado ng hapon ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa 7,999 na siyang pinakamataas na naitala sa bansa nang magsimula ang pandemya.

 

 

Bukod dito, ipinayo rin ng DOH na manatili na lamang sa bahay ang publiko kung hindi “essential” ang pakay; tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa mga bahay; agad na komunsulta kapag nakaranas ng mga sintomas; at magtungo na kaagad sa mga isolation facilities kaysa sa mga ospital.

 

 

Sa mga nakararanas ng sintomas, maaari silang tumawag sa mga mobile numbers: 0919-9773333; 0915-7777777; at (02)8865-0500.

 

 

Nagpaalala rin ang DOH sa publiko na huwag nang lumabas ng bahay sa Holy Week at mag-online mass na lang muna. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads February 17, 2023

  • Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

    Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.     Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]

  • PANIBAGONG HOUSING PROJECT NG MANILA LGU, INILUNSAD SA BASECO

    INILUNSAD ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang panibagong housing project ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila.   Pinangunahan nina Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kasama ang mga konsehal sa Distrito 5 ng lungsod ang ground breaking ceremony kaugnay sa proyektong pabahay ng lokal na pamahalaan kung saan plano […]