• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-ina, 1 pa timbog sa P17.5 milyon shabu sa Caloocan

ARESTADO ang tatlong umano’y big-time drug pushers kabilang ang isang online seller at kanyang ina matapos makuhanan ng higit sa P17.5 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Josephine Rada, 59, Mae Jane Rada, 23, Online Seller at Bon Joni Visda, 25, pawang residente ng B53 L3 Phase 12, Brgy. 188, Tala.

 

 

Sa report ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Caloocan Police Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation.

 

 

Nang makumpirma na tama ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng DEU sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo, kasama ang PDEA Northern District Office, 6th MFC RMFB-NCRPO at Tala Police Sub-Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Mina ang buy bust operation sa bahay ng mga suspek dakong 5:10 ng hapon.

 

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P75,000 halaga ng droga si PCpl Albert Alan Badua na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 kilos at 575 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,510,000.00 at buy bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 74 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni NCRPO RD PMGEN Vicente Danao Jr. ang Caloocan police sa pamumuno ni Col. Mina dahil sa matagumpay na drug operation. (Richard Mesa)

Other News
  • Abiso ni PDu30 na baka maulit ang lockdown dahil sa bagong COVID variant, hindi dapat pang ipagtaka -Malakanyang

    BAHAGI na ng estratehiya ng pamahalaan ang pagpapatupad ng lockdown ngayong panahon ng pandemya.   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may posibilidad na muli itong ipatupad sa layuning mapigilan ang pagkalat ng mga bagong variant ng sakit.   Aniya, hindi naman nahinto […]

  • Baseball na tinamaan ni Japanese player Ohtani naibenta sa halagang $4.4-M

    NAIBENTA sa halagang $4.4 milyon sa auction ang bola na tinamaan ni Los Angeles Dodger superstar Shohei Ohtani.   Ang nasabing pagtama nito ay siyang pang-50 na home run sa Major League Baseball.   Ang 30-anyos na Japanese hitter ay siyang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng baseball na nakatama ng 50 home runs at nakakumpiska […]

  • FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess

    TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na  Kasparov Chess Foundation University Cup via online.     Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si […]