• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-INGAT sa PAGBILI/PAGSALO sa mga SASAKYAN – mga SINDIKATO TALAMAK na NANGBIBIKTIMA ng mga BUYERS

ISA  sa mga lumapit sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) para magpatulong ay may kakaibang karanasan sa pagbili ng sasakyan.

 

 

Naghangad na bumili ang biktima ng sasakyan at sa isang sikat na on-line market siya tumingin.  Nang may nakursunadahan ay nakipagkita siya sa seller.  Isang Montero na halos Isang Milyon piso ang halaga ang ipinakita sa kanya sa parking lot ng isang sikat na mall. Hindi gaanong bihasa sa pag inspect at pagbusisi ng dokumento ang biktima kaya lalong madali na nakumbinsi sya ng seller. Maliban sa sasakyan ay pinakita sa kanya ang isang blankong deed of sale na pirmado daw ng registered owner at ang OR/CR.

 

 

Kinabukasan ay nagkita ang biktima at selker sa bangko at cash na binayaran ang sasakyan.  Noong unang taon na pinarehistro ng biktima sa LTO ay narehistro pa ang sasakyan.  Pero sa ikalawang taon ay sinabi sa kanya ng LTO na hindi tugma ang plate number sa sasakyan.  At nairehistro na raw ang sasakyan na may ganung plate number sa ibang LTO office kaya kaagad na in-impound ang nasabing Montero. Laking gulat ng biktima!

 

 

Ilan ulit niya na kinontak ang seller pero cannot be reached na ito. Sa tulong ng LCSP volunteers ay natukoy namin ang registered owner ng Montero. Nagulat ang owner na nabenta ang sasakyan. Peke ang pirma niya sa deed of sale at MATAGAL NA NIYA ISINUKO SA BANGKO ANG MONTERO dahil hindi na niya kaya bayaran ang monthly payment sa nito.

 

 

Kung naisuko na sa bangko paano ito napunta sa seller? At paano na iba ang plate number? Paano narehistro sa LTO noong unang pinarehistro ito?

 

 

Sinulatan na ng LCSP ang bangko upang malaman nila na ang na isang sasakyan na isinuko sa kanila ay nailabas at naibenta na may pekeng plate number.

 

 

Isang paalala ng LCSP – magingat sa pagbili ng sasakyan lalo kung pasalo ito at lalo kung hindi alam ng bangko ang transaction. Huwag magtiwala basta-basta na nag-a-ahente at wala ang registered owner. Ipa-verify sa LTO ang status ng sasakyan. Kung hindi pa fully paid sa bangko ay lalong mag-ingat. May mga lumapit din sa LCSP na yung nakabili ay kinasuhan pa ng carnapping.

 

 

Makikipag-ugnayan ang LCSP sa mga Transport Agencies tungkol sa modus na ito.

 

 

Sino man pong may mapait na karanasan na tulad nito ay maari pong lumapit sa LCSP sa #97C Matatag st, Piñahan Quezon City (malapit lang ito sa SSS building sa East Avenue, Quezon City). (ATTY. ARIEL INTON)

Other News
  • Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM

    DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang […]

  • Retiradong sundalo, 1 pa, huli sa pagbebenta ng shabu sa Valenzuela

    DALAWANG hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo ang natimbog sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at […]

  • Mga miyembro ng Kamara tuloy sa trabaho kahit naka-recess

    NGAYONG Biyernes ay pumunta sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Patrol Party-list Rep. Jorge Bustos, at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng House Committee on Dangerous Drugs sa Cavite upang saksihan ang ginawang pagsunog sa may P6 bilyong halaga ng iligal na droga […]