• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag live-in partner, 1 pa, timbog sa buy bust sa Valenzuela

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang mag live-in partner ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony David, alyas “Mak”, 37, motorcycle mechanic, live-in prtner niyang si Carol Ramos, 32, at Conney Rubio, 42, housemaid, pawang ng Sampaloc, Manila City.

 

 

Batay sa ulat ni SDEU investigator PSMS Fortunato Candido kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-7 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa No. 61 Karuhatan Road, Brgy., Karuhatan.

 

 

Isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

 

 

Nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na mga operatiba at nagpakilalang mga pulis saka inaresto ang mga suspek.

 

 

Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, buy-bust money, P1,000 cash, at 3 cellphones.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Inisa-isa na ang mga dahilan ng paghihiwalay: KRIS, inamin na ‘di talaga sila meant for each other ni MARK

    SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino noong Lunes, July 17 (Martes sa Pilipinas) ng litrato kasama sina Joshua at Bimby ay kasama rin ang isang mahabang mensahe.     Inisa-isa nga ni Kris ang mga dahilan kung bakit siya nagdesisyong tapusin na lang ang pakikipag-relasyon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste. […]

  • Tradisyunal na Traslacion babalik na sa Enero

    PINAGHAHANDAAN  ng organizers ng traditional na parada ng Itim na Nazareno sa taunang Traslacion.     Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Father Jesus Madrid Jr na plano nilang lagyan ng glass case ang mahigit na 400-taon na imahe ng itim na Nazareno.     Sa darating kasi na Enero 9 ay siyang pagbabalik ng […]

  • Philracom Awards: ‘Union Bell’ pararangalan

    ANG mala-birhen o malinis na kartada sa nagdaang 2019 racing season, pararangalan si champion horse Union Bell at owner nitong Bell Racing Stable sa isasagawang 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards ngayong Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.   Iniluklok ang undisputed 2YO champion bilang 2019 Stakes Races Horse […]