Mag-live-in partner tiklo sa P374K shabu sa Valenzuela
- Published on October 2, 2021
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.
Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Jefferson Borbe alyas “Asyong”, 36, at kanyang live-in partner na si Annei Imperial, 36, kapwa ng Blk 7 Lot 7 Silver 8 Homes Llano Rd. Caloocan City.
Sa report ni SDEU investigator PSSG Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-6 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy-bust operation sa Santolan Service Road, Brgy. Gen T. De Leon.
Nagawang makipagtransaksyon ni PCPL Franciz Cuaresma na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P8,000 halaga ng droga.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCPL Cuaresma na hudyat na nakabili na siya ng droga sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na sina PSSG Gabby Migano at PCPL Ed Shalom Abiertas saka inaresto ang mag-live-in partner.
Nasamsam sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P374,000.00, buy-bust money na isang tunay na P500 bill, 7 pirasong P1,000 at isang P500 boodle money, cellphone, purse at isang motorsiklo.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
12 migrants patay dahil sa malamig na panahon
PATAY ang 12 migrants matapos na hindi nakayanan ang lamig ng panahon sa border ng Turkey at Greece. Dahil dito ay inakusahan ng Turkey ang Greece na sila ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga migrant matapos na hinayaan nila silang itaboy at hindi papasukin sa kanilang bansa. Mariing pinabulaanan ng […]
-
4th leg PH Dragon Boat Federation Regatta: Philippine Army Dragon Warriors kampeon!
Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo. Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, […]
-
Anak ng mag-asawang mambabatas, nag file na ng COC sa Malabon
SASABAK na rin sa larangan ng pulitika upang makapaglingkod sa mga Malabonians ang anak nina Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel at An-Waray Party-list Rep. Florencio “Bem” Noel na si District 1 Councilor Regino Federico “Nino” Noel, 28. Kasama ang buong pamilya, pormal na naghain ng kanyang certificate of candidacy sa local Commission on Elections […]