• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magho-host ang Pilipinas sa prelimnary leg ng Volleyball Nations League Tournament sa 2023

Muling magho-host ang Pilipinas ng isa sa mga preliminary event ng Volleyball Nations League men’s tournament sa susunod na taon.

 

Inihayag ng liga noong Biyernes na ang Pasay City ang magiging venue para sa ilan sa mga laro sa Hulyo 4-9. Ang mga magkakalaban na koponan sa Philippine leg ng torneo ay ang Japan, China, Slovenia, Brazil, Poland, Italy, Netherlands, at Canada.

 

Noong nakaraang Hunyo, ang Araneta Coliseum sa Quezon City ay nag-host ng mga laro para sa parehong panlalaki at pambabae na torneo sa Philippine leg ng VNL.

 

Bukod sa Pasay City, ang iba pang host city para sa men’s tournament ay ang Ottawa, Canada; Nagoya, Japan; Rotterdam, Netherlands; Orleans, France; at Anaheim sa California, USA.

 

Ang VNL finals ay sa Hulyo 12-16 para sa women’s event at Hulyo 19-23 para sa men’s competition. Ang host city para sa finals ay iaanunsyo sa Disyembre.

 

Nasungkit ng Team Italy ang kampeonato ngayong taon sa women’s division, habang nakuha naman ng France ang korona sa men’s series. (CARD)

Other News
  • Na-inspire sa KPop, super-react ang mga bashers: SHARON, may official light stick na para sa kanyang Sharonians

    SA IG post ni Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip na niya ang short video ng official light stick para sa mga minamahal niyang Sharonians at sa new gen fans na Sharmy.     Caption niya, “Our first official lightstick! Will be ready and out for purchase before my next Manila concert! (I know medyo tagal pa, […]

  • PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD

    PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.     Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa […]

  • Kumakalat na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa “total lockdown”, pinalagan ng Malakanyang

    PINALAGAN ng Malakanyang ang kumakalat sa social media na audio clip at walang basehang haka-haka ukol sa ‘total lockdown’.     “We have come across an audio clip that has been shared via personal messages and social media, in which a male speaker warns the public to stock up on essential supplies as the government […]