• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging alerto vs COVID-19 ngayong Semana Santa – DOH

NANAWAGAN ang Department of Health (DOH) sa lahat ng Pilipino na panatilihin ang pagsunod sa ‘minimum public health standards’ sa paggunita sa Semana Santa at ipinaalala na nananatili pa rin ang COVID-19 sa bansa.

 

 

Kabilang sa ibinilin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ang palagiang pagsusuot ng face mask, isolation kapag nakaramdam ng sama ng pakiramdam, tiyakin na maayos ang sirkulasyon ng hangin sa lugar na ginagalawan, at doblehin ang proteksyon sa pagpapabakuna.

 

 

Muli rin niyang hinikayat ang mga Katoliko na itigil na ang pagpepenitensya dahil sa banta ng sakit gaya ng tetano at bacterial infection na dulot nito at hindi rin naman ito hinihikayat ng simbahang Katolika.

 

 

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na iwasan ang paghalik sa mga santo at santa at iba pang imahen at poon sa ating mga simbahan dahil maaari itong maging paraan ng virus transmission.

 

 

Sa kabila na isa sa pinaka-importanteng pagdiriwang ang Mahal na Araw, dapat alalahanin din ng publiko na nandiriyan pa rin ang virus na mas nakakahawa na ngayon dahil sa naglalabasang variants nito.

Other News
  • Sangley Airport muling sasailalim sa bidding

    Gustong muling buksan ng provincial government ng Cavite ang bidding ng proyektong Sangley Point International Airport (SPIA) sa mga interestadong kumpanya matapos na terminuhin ang nasabing airport deal.     Ang SPIA ay dati pa na binigay ang airport deal sa kumpanya ni Lucio Tan na MacroAsia Corp. at ang China Communications Construction Co. Ltd […]

  • Mahigit 73 million Filipino, fully vaccinated na kontra COVID-19 – DOH

    NASA  mahigit 73 million Pilipino na ang fully-vaccinated kontra Covid-19 ayon sa Department of Health (DOH).     Sa datos noong Enero 8, 2023, nasa 6.9 million senior citizens ang bakunado na, 10 million sa mga kabataan at 5.4 million naman sa mga bata na edad 5 hanggang 11 anyos.     Iniulat din ng […]

  • Libu-libong pamilya mula sa iba’t ibang lugar sa bansa, inilikas dahil sa pananalasa ni bagyong Pepito

    TINATAYANG nasa 5,000 pamilya ang inilikas sa ilang bahagi ng bansa dahil sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyong Pepito.   Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni NDRRMC Asec Casiano Monilla na malaking bahagi ng mga inilikas ay mula sa Region 4a partikular sa Quezon province kung saan nasa 4,790 […]