• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring I-jeopardize ng banta ang peace efforts ng administrasyon, pinaalalahanan niya ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad na kaakibat ng mga estrelya sa kanilang balikat.

 

 

“There is much still left to do, missions to accomplish, service to be selflessly rendered to the people that we have all sworn to protect with our lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga newly promoted officials.

 

 

“Be mindful always of the weight that that carries. After all, the load that you feel are in fact our people’s hopes. Especially now that we are at the juncture of our history where our nation faces complex security challenges.,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa umiiral at umuusbong na mga hamon ay nangangailangan ng mapangahas na pag-inisip at matapang na aksyon ng militar , habang kumpiyansa naman niyang ipinahayag na makakaya ng mga ito na epektibong makatugon.

 

 

“This is the landscape that confronts you now. It is the security terrain that you have to address in the remaining tours of duty of your career,” aniya pa rin.

 

 

“As senior officers in our armed service, may the stars conferred upon you serve as an inspiration in performing your duties with utmost dedication, professionalism, integrity, all worthy of emulation,” dagdag na wika nito.

 

 

At bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na ang AFP members ay nananatiling committed sa kanilang sinumpaang salaysay na protektahan at paglingkuran ang Pilipinas at mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, walang balak palawigin ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV)

    WALANG plano  si  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin pa ang deadline ng consolidation ng public utility vehicles (PUV) operators matapos ang kanilang naging pulong kasama ang mga transport offiicials  para sa jeepney modernization program na nakatakda sa Disyembre 31, 2023.     “Today (Tuesday), we held a meeting with transport officials, and it […]

  • Mga lider ng iba’t ibang partido pulitikal suportado paghahanap ng PNP sa wanted na si Pastor Quiboloy

      NAGSAMA-sama ang lider ng iba’t ibang partidong pampulitika sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang suportahan ang Philippine National Police (PNP) asa ginagawa nitong paghahanap sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy at kanyang mga kapwa akusado.     Ang alyansa, na binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni […]

  • Samahan sa makabuluhang usapan sa ‘Heart-2-Heart’: ARNOLD, masaya na kasama na uli ang kanyang mentor na si DJ LAILA

    LAST month lang pala lumipat si Arnold Rei dela Cruz na kilala ring DJ Poy sa Radyo5 TRUE FM na kung saan binigyan agad siya ng sariling radio program, ang ‘Heart-2-Heart’.     Kaya masayang-masaya siya dahil kasama na niya uli sa istasyon ang isa sa itinuring na mentor na si DJ Laila Chikadora.   […]