• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Maging bayani, magpabakuna, -magligtas ng buhay’ – Bong Go

Hinikayat ni Senator Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go ang bawat isa na maging isang bayani sa sariling kaparaanan sa pamamagitan ng pagpapabakuna upang hindi na kumalat ang COVID-19 at mailigtas ang buhay ng iba.

 

 

“Let us be heroes in our own way and put a stop to the spread of this virus by getting vaccinated. Hinihikayat ko ang lahat na magpabakuna lalo’t bukas na ang programa sa ge­neral population. Nasa datos naman na kung sino ang positibo at grabe ‘yung sintomas ay kadalasan sila ‘yung mga hindi pa bakunado,” ayon kay Go.

 

 

Kaya naman suportado ng senador ang pinagsanib na inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor na layong pag-ibayuhin pa ang vaccination drive sa pamamagitan ng pagtuturok ng 5 million doses ng COVID-19 vaccines sa loob ng 3 araw.

 

 

Hinimok ni Go ang lahat ng sektor at eligible individuals na suportahan ang nationwide campaign na isasagawa sa November 29 hanggang December 1, para matulungan ang bansa na maabot ang target na mabakunahan ang 50% ng populasyon bago matapos ang taon.

 

 

“Ipakita natin ang malasakit sa ating mga frontliners at magpa-schedule na sa pinakamalapit ninyong vaccination site. Huwag kayong matakot sa bakuna dahil ito ang tanging solusyon para unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” apela ni Go. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘NCR MAYORS, NAIS ANG ‘STABLE DECLINE’ SA COVID-19 CASES BAGO HUMIRIT NG MGCQ’

    NAIS umano munang makita ng mga alkalde sa Metro Manila na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 bago irekomendang ibaba na ang rehiyon sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).   Sa ngayon kasi ay pinalawig ng Inter-Agency Task Force ang General Community Quarantine (GCQ) status ng Kalakhang Maynila hanggang sa katapusan ng […]

  • SEA Games federation magpupulong muna kung tuluyang kakanselahin ang torneyo

    Magpupulong ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24.     Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine […]

  • LALAKI MINASO NG KAINUMAN, KRITIKAL

    AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 40-anyos na mister matapos hatawin ng maso sa ulo at katawan ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Navotas City.   Ginagamot sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Paracale, 40 ng 46 Katipunan St. Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City.   Kinilala naman […]