• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging leksiyon sa lahat!

NASUGATAN  sa unang linggo ng buwang ito si dating Philippine SuperLiga (PSL) star Gretchen Ho.

 

Buhat ito sa pagpa-prank holdup ng 30-anyos, may taas na 5-4 at Tsinitang balibolistang tubong Maynila sa isang mall sa kapwa ABS-CBN reporter na si Jorge Cariño.

 

Sa social media post ng former Petron Blaze Spikers at television host, nasa likuran aniya nang biruin at magpanggap na holdaper ni Cariño sa escalator.

 

“Holdap ito huwag kang gagalaw. Amina ang mga gamit,” biro niya sa kasama sa trabaho.

 

Pero buo ang loob ni Cariño na siniko sa tiyan para mawalan ng balanse, sumubsob sa sahig na tinukod ang kamay para masugatan, dumugo ang isa kanyang daliri.

 

Makalipas ang ilang araw, kinumpirma ng dating manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) mula sa Ateneo de Manila University-Quezon City, na magaling na ang sugat at huwag na aniyang mag-aalala si Jorge.

 

At ang payo ni Ms. Ho? Mag-ingat sa pagpa-prank lalo na aniya sa mga war-trained reporter gaya ng kasamahan.

 

Iginagalang ng Opensa Depensa ang pananaw ni Gretchen.

 

Pero para sa pitak na ito, huwag na lang tayong mag-prank sa alanganing mga sitwasyon o lugar. Mapuwera na lang na pinagplanuhan talaga o marami para pasayahin ang isang tao.

 

Mahirap na ang maaksidente sa panahon ngayon.

 

Matuto tayo sa kaganapang ito. Maging leksiyon sana ito sa ating lahat.

 

***

 

Belated happy birthday kina Enrique ‘Toto’ Valera ng Paco, Maynila at Belinda Ignacio ng Santa Ana, Manila na mga nagdiwang nitong Lunes, January 11 at at Linggo, Jan. 3, ayon sa pagkakasunod.

 

Ang pagbati ay mula sa Fernando Maria Guerrero Elementary School Batch 1982 at Manuel Acuña Roxas High School Batch 1986. (REC)

Other News
  • ‘Oppenheimer’ Will Likely Continue Nolan’s $1 Billion Box Office Trend

    Oppenheimer is unlike the previous works of Christopher Nolan, and yet, it will likely continue his $1 billion box office trend, but that’s not necessarily bad.   Christopher Nolan has become one of the most respected filmmakers of his generation thanks to his unique visual and narrative style and the themes he addresses in his […]

  • Actuarial life ng PhilHealth 1 taon na lang – opisyal

    Mula sa mahigit 10 taon, isang taon na lamang ang actuarial life ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).   Ito ang inamin ni Philhealth Senior Vice President for Data Protection Office Nerissa Santiago sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senate committee of the whole kahapon.   Ayon kay Santiago, posibleng hindi na sila makapagbigay ng benepisyo […]

  • GAME TO FILM “FIVE NIGHTS AT FREDDY’S” HITS CINEMAS THIS HALLOWEEN

    GET ready for a game of survival at the cinemas when “Five Nights At Freddy’s” opens November 1 nationwide, from Universal Pictures International.       From horror haven Blumhouse, producers of recent hit cinema terrors “M3gan”, “The Black Phone” and “Invisible Man”  brings “Five Nights at Freddy’s” to the big screen.  The film stars Hunger Games’ […]