• April 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar” – Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS – “Magkaisa po tayo at huwag tumigil sa pagsisikap. Gawin natin ang nararapat isagawa upang pagyamanin ang mga pamanang naiwan ni Gat Marcelo H. del Pilar upang magsilbi itong tanglaw at gabay ng mga susunod pang henerasyon.”

 

 

Ito ang tinuran ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga dumalo sa Paggunita ng Ika-172 Guning Taong Pagsilang ni Gat Marcelo H. del Pilar na may temang, “Marcelo H. Del Pilar: Yaman ng Bansa, Dangal ng Bulacan, Inspirasyon ng Mamamayan” na ginanap sa Dambanang Marcelo H. del Pilar sa Barangay San Nicolas, Bulakan.

 

 

“Mahalagang matandaan natin ang kanyang mga kontribusyon sa ating kasaysayan, ngunit makalipas ang isang siglo, ang hamon sa atin ngayon ay kung paano nga ba natin isasabuhay ang mga ito. Tulad ni Marcelo H. del Pilar, pilitin nating gawin ang tama upang tuluyan na nating makamit ang pagbabago tungo sa lubos na kaunlaran ng ating bayan”, ani Fernando.

 

 

Binigyang diin naman ni Kinatawan ng Unang Distrito Danilo A. Domingo, panauhing pandangal at tagapagsalita, ang mga tungkulin na dapat gampanan para sa pamilya at bayan sa pangkasalukuyang panahon.

 

 

Sinabi ni Domingo na si Gat Del Pilar ang siyang naging inspirasyon ng mga Bulakenyo, kung saan aniya tinawag ni Governor General Blanco na “the most dreadful of the Filipino politicians, the true voice of the separatists” si Del Pilar na walang kapagurang lumaban para sa karapatan ng mg Pilipino, reporma at pagkapantay-pantay.

 

 

“Higit pa natin siyang parangalan, tayo ay magkaisa para iangat ang ating bayan”, ani Domingo.

 

 

Aniya, kabilang sa mga hamon na kayang harapin ang banta ng COVID-19, proteksyon sa kagutuman ng pamilya kung saan ay dapat bigyang-tuon ang kabuhayan at pagkakakitaan, pagtatanim sa mga lupain para maibsan ang taas ng presyo ng mga bilihin at paglaban sa kurapsyon at pananamantala.

 

 

Samantala, pinangunahan nina Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak kasama sina Punong Bayan Vergel C. Meneses, Pangalawang Punong Bayan Reina C. Sanchez, Patnugot Tagapagpaganap Carminda R. Arevalo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Punong Bayan Eduardo J. Villanueva, Jr., PLt. Col Dominador Ignacio, Pangulo ng Integrated Bar of the Philippines Marcelo H. Del Pilar Bulacan Chapter Abgd. Joseph Inocencio at kinatawan ni Most Worshipful Johnny T. Pimentel, Grand Master, Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines.

 

 

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Carmela Reyes-Estrope, correspondent ng Philippine Daily Inquirer at pangulo ng Central Luzon Media Association, mga miyembro ng Bulacan Press Club Inc.  sa pangunguna ng pangulo nito na si Omar Padilla ng Pilipino Star Ngayon, ilang mamahayag, mga kinatawan ng kaanak ni Gat Marcelo at marami pang iba. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • BI MAGLALAGAY NG KARAGDAGANG CCTV SA MGA AIRPORTS

    UPANG maiwasan ang korapsiyon  sa loob ng mga ports, naglagay ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang Closed Circuit Television (CCTV) cameras sa lahat ng international airport sa bansa.   Sa report na ipinadala kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni  BI Port Operations Acting Chief Grifton Medina na mahigit nang  isandaan na mga CCTV cameras […]

  • ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES

    Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City.     Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang […]

  • PDU30, nag-aalala para sa kanyang gabinete

    LABIS na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa mga miyembro ng kanyang gabinete.   Ito ang dahilan kaya’t agad na nagtanong ang Pangulo sa ginawang Cabinet meeting kagabi kung kailan mababakunahan ang mga miyembro ng kanyang gabinete.   Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na na kailangang idulog ang tanong ng Punong Ehekutibo […]