• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkapatid arestado sa baril at shabu sa Valenzuela

Arestado ang isang wanted person at kanyang kapatid na babae matapos makuhanan ng baril at higit P.5 milyon halaga ng shabu makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest kontra sa isa sa mga suspek sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jeremy Flores y Elefanio, 28, at Baby Elefanio, 25, kapwa ng 2637 Liko St. Brgy. 210, Zone 19 Tondo Manila.

 

 

Sa imbestigasyon PSSg Carlos Irasquin Jr., dakong 8:30 ng gabi nang isilbi ng pinagsamang mga tauhan ng Manila Police District DID-Anticrime sa pangunguna ni PLT Mark Xyrus Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Levi Hope Basilio at Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Rosanna Fe Romero-Maglaya ng RTC Branch 88, Quezon City para sa kasong Frustrated Murder at Robbery with Homicide na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jeremy sa kahabaan ng Upper Tamaraw Hills, Brgy. Marulas, Valenzuela City.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang isang itim na sling bag na naglalaman ng dalawang caliber 38 revolver at 12 piraso ng bala.

 

 

Gayunman, habang inaaresto ang suspek ay tinangkang pigilan ni Baby ang mga arresting officer kaya’t napilitan ang mga pulis na dakpin ang bebot dahil sa paglabag sa obstruction of justice.

 

 

Narekober sa kanya ang isang kulay brown LV sling bag na naglalaman ng pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 82 gramo na may standard drug price na P557,600.00 ang halaga at assorted cards.

 

 

Kasong paglabag sa RA 10591 ang isinampa ng pulisya kontra kay Jeremy habang paglabag naman Obstruction of Justice at RA 9165 ang isinampa laban kay Baby sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Phoenix inambush ang San Miguel

    BINUHAT ni RJ Jazul ang Phoenix Super LPG sa panalo kontra sa San Miguel Beermen, 110-103, sa 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa Angeles University Gym sa Pampanga.   Sumiklab ang 5-foot-11 at kumamada ang 33 career high points kasama ang siyam na three points kung saan malaki sa kanyang naibuslo ay sa 4 […]

  • PANUKALANG NO-CONTACT TRAFFIC APPREHENSION NASA QUEZON CITY COUNCIL NA

    Nakasalang na sa ikalawang pagbasa ang panukalang No-Contact Traffic Apprehension sa Konseho ng Lungsod Quezon.   Kung magiging Ordinansa ito ay mapapabilang na ang pinakamalaking lungsod sa Metro Manila na magpapatupad nito tulad ng sa Lungsod ng Maynila, Valenzuela at Parañaque.  Layunin nito na mas maiayos ang traffic sa lungsod at mapapanagot ang mga traffic violators. […]

  • LRT-2 may libreng sakay sa ‘Rizal Day’ tuwing rush hour

    MAY HANDOG na libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa linya ng LRT-2 ngayong Biyernes, ito habang ginugunita ang ika-126 anibersaryo ng kabayanihan ni Jose Rizal.     “May handog na LIBRENG SAKAY ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Biyernes, ika-30 ng Disyembre, mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 […]