• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkapatid na paslit patay sa sunog sa Caloocan

NASAWI ang isang 7-anyos na batang babae at kanyang 2-anyos na kapatid na lalaki sa naganap na sunog na tumupok sa 15 kabahayan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ang sunog na katawan ng mga biktimang sina Jumina Jean Corado at kanyang kapatid na si Brix Tyler, na unang iniulat ng kanilang ina na nawawala ay natagpuan sa debris ng isang bahay na katabi ng kanilang bahay dakong alas-7 ng umaga.

 

 

Ayon kay North Caloocan Fire Station chief F/Insp, Elyzer Ruben Leal, nagsimula ang sunog sa bahay ni certain Lilybeth Dolen dakong 1:05 ng madaling araw sa Ilang-Ilang Street, Brgy. 185 Malaria at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing mga kabahayan.

 

 

Umabot ang sunog sa unang alarma bago idineklarang under control bandang 1:47 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong alas-3:20 ng madaling araw.

 

 

Inaalam pa ng mga Arson investigator ang sanhi ng naging sunog habang tinatayang naman nasa P100,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

 

 

Ipinag-utos naman ni Mayor Oca Malapitan sa City Social Welfare Department ang agarang tulong, kabilang ang pagkain, kumot, inuming tubig at iba pang relief goods na kailangan ng mga biktima ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa Malaria covered court. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 16, 2020

  • DOH nangangailangan ng P49-B para sa buwanang allowance ng mga health workers

    Umaapela ang Department of Health (DOH) sa Kongreso na mabigyan sila ng P49 billion budget para sa buwanang allowance ng lahat ng mga at-risk na health workers sa panahon ng COVID-19 pandemic.     Sa plenary debates hinggil sa proposed 2022 budget ng DOH, sinabi ni Cebu 5ht District Rep. Vince Frasco na ang pondong […]

  • Bong Go, dumalo sa PDP-Laban national assembly kasama si PRRD

    NAGBIGAY ng payo si Senator Christopher “Bong” Go laban sa anumang pagkakawatak-watak sa ruling party, Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan.   Muling nanawagan si Go sa mga kapartido na magkaisa at manatil sa likod ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “Inaasahan ko na darating ang panahon na magkakasundo ang partido at patuloy (ang PDP-Laban) na […]