Maglilimang taon nang loveless: MARTIN, happy naman dahil tuloy ang pakikipag-date
- Published on February 8, 2024
- by @peoplesbalita
MASAYA at ikinagulat pala ni Martin del Rosario na panggabi ang serye nilang Asawa Ng Asawa Ko.
“Siyempre proud kasi unexpected, e!
“Alam namin lahat na Afternoon Prime kami tapos biglang GMA Telebabad, so something to be proud of, di ba,” saad ni Martin.
May dream role pa ba siya?
“Parang gusto ko romantic roles naman kasi nagawa ko na yung kontrabida, tapos ngayon mabait, parang gusto ko naman yung romance, yung tungkol sa malalim na pag-iibigan.”
Kinumusta naman namin kay Martin ang tungkol sa lovelife niya…
“Wala single pa din, pero nagdi-date naman,” sagot niya.
Non-showbiz raw ang dine-date ni Martin sa ngayon.
Choice ba ni Martin na non-showbiz ang makarelasyon?
“Oo. Pero ngayon kasi hindi ako naghahanap. Pero based dun sa mga past relationships ko, lahat sila non-showbiz.
“Pero kasi kung may dumating na tao na from showbiz hindi ko mapipigilan iyon. Ang love naman, basta dumarating, di ba?”
Maglilimang taon na ngayon na walang karelasyon si Martin.
Pero kahit loveless siya ay happy si Martin.
“Actually ngayon sobrang masaya ako,” lahad ng Kapuso actor. “Kasi na-realize ko na kapag naka-focus ako sa sarili ko, I mean lahat ng mga goals ko nakukuha ko ngayon.
“Nakakapag-ipon ako, may negosyo ako, may mga nabibili ako for myself, for my family, lahat ng hindi ko nagawa nung time na wala ako sa focus, so… I mean ngayon na thirty one na ako proud ako sa mga na-accomplish ko sa sarili ko.”
Sa serye ay gumaganap si Martin bilang si Jeff kung saan mga lead stars rin sina Rayver Cruz as Jordan, Jasmine Curtis-Smith as Cristy, Joem Bascon as Leon at Liezel Lopez as Shaira.
Sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen, ang Asawa Ng Asawa Ko ay napapanood tuwing 9:35 pm sa GMA Prime.
***
UMAASA si Xian Lim na mabibigyan siya ng pagkakataon ng GMA na maging direktor ng isang teleserye.
Sa panayam kasi namin noon kay Xian sa mediacon via Zoom ng ‘False Positive’ noong 2022, nabanggit niya na nasa bucket list niya ang maging direktor ng isang TV series lalo pa nga at that time ay kalilipat lamang niya bakuran na siya ng Kapuso Network..
Kaya kamakailan ay tinanong namin si Xian kung ano na ang update sa mga proyektong ipagkakaloob sa kanya ng Kapuso Network; kasama ba rito ang teleserye kung saan hindi siya artista kundi direktor?
“Sana po, nanawagan po ako sa mga bosses,” sabay tumatawang pakli ni Xian.
Seryosong pagpapatuloy ni Xian, “Una po sa lahat gusto ko lang sabihin na I’m very grateful to GMA. Like katulad po nitong Love. Die. Repeat, it was the very first show na in-offer po sa akin ng GMA, wala pa yung False Positive, wala pa yung Hearts On Ice.”
Ang ‘Love. Die. Repeat.’ sana ang pinakaunang teleserye ni Xian sa GMA, pero nabuntis ang female lead star ng show na si Jennylyn Mercado habang nagte-taping sila noong Setyembre 2021 para sa nabanggit na serye kaya nahinto ito sa loob ng halos tatlong taon.
Kaya naman mas naunang natapos at naipalabas ang False Positive at Hearts On Ice kung saan parehong si Xian ang leading man.
Labis raw nag pasasalamat ni Xian sa Kapuso Network sa pagbibigay sa kanya ng iba-iba genres ng show; isa siyang lalaking nabuntis sa Flase Positive at isa naman siyang fihure skater sa Hearts On Ice.
Pagdating naman raw sa pagiging direktor, lingid sa kaalaman ng marami ay nakapagdirek an si Xian ng isang episode ng Wish Ko Lang last year, taong 2023.
Lahad pa ni Xian, “And hopefully po, sana, sana more projects pa po in terms of being behind the camera, as a director.
“Aside from acting, masayang -masaya po ako behind the camera. Alam yan ni direk Jerry, palagi akong nagtatanong sa kanya, ‘Direk, ang saya naman diyan behind the camera, ano na nangyayari diyan?’”
Si Jerry Lopez Sineneng (at si Irene Villamor) ang direktor ng Love. Die. Repeat.
Leading lady niya rito si Jennylyn Mercado.
Napapanood ito weeknights, 8:50 pm sa GMA Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
BI, pag-aaralan ang mga records at kaso ng ‘crypto scam’ trafficking victims
PAG-AARALAN ng Bureau of Immigration (BI) ang records ng walong repatriated Filipinos na nabiktima ng cryptocurrency scammers. Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang Travel Control and Enforcement ng Bureau of Immigration na imbestigahan ang kaso ng mga biktimang ito na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi sa pamamagitan ng […]
-
26-anyos na governor na pumalit kay DILG Sec. Remulla sa Cavite, nagsimula na ng trabaho
Agad sinimulan ni bagong Cavite Gov. Athena Tolentino ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng kanilang lalawigan. Si Tolentino ay dating bise gobernador at umakyat bilang punong lalawigan makaraang mai-appoint ang dating gobernador na si DILG Sec. Jonvic Remulla. Sa edad na 26, si Gov. Athena ang pinakabata at unang babaeng gobernador […]
-
Inaasahan na gagawa uli ng box-office record: VICE at Direk CATHY, sanib-puwersa sa MMFF entry na ‘Partners In Crime’
MAGSASANIB-PUWERSA sa isang malaking pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2022 ang Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda at Box-Office Director Cathy Garcia-Molina. May title na Partners in Crime ang action-comedy na pagbibidahan ni Vice at ni Ivana Alawi. Na-announce na ito noong nakaraang July ng bumubuo ng MMFF kasama ang tatlo pang […]