• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magno ‘nag-eespiya’ na rin

BUKOD sa kaabalahan sa pag-eensayo ni Irish Magno, ‘iniispayan’ din niya ang mga posibleng makasapakan sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na tuloy na sa Hulyo 23-Agosto 8 tapos maurong dahil sa COVID-19.

 

 

Kasagsagang nag-o- Olympic training bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang boksingera, 29, 5-2 at isinilang sa Iloilo kung saan nagsisikap mahabol ang tamang lakas, porma’t bangis para sa quadrennial sportsfest na na huling ginanap sa Land of the Rising Sun noong 1964.

 

 

“Alam naman po nina (coach) kung ano ang mga dapat ko pang i-improve,” bulalas ni Magno sa pinakahuling bahagi ng Philippine Sports Commission (PSC) Hour interview nitong Lunes kung saan kanyang ring inaalam ang mga makakatuos via internet.

 

 

“Libre naman po ‘yung Wi-Fi dito, anytime puwede kami mag-scout sa kanila. So ‘yun po ang ginagawa ko rin bukod sa trainings . Tiningnan ko po kung sino na ‘yung mga nag-qualify na po sa Olympics bukod sa akin.” (REC)

Other News
  • PANALANGIN NG SANTO PAPA KONTRA DEATH PENALTY, IKINAGAGALAK NG CBCP-ECPPC

    IKINAGALAK ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang paglalaan ng Kanyang Kabanalan Francisco ng panalangin sa buwan ng Setyembre para sa pagbuwag ng parusang kamatayan sa buong daigdig.     Ayon kay Baguio Bishop Victor Bendico, vice chairman ng komisyon na dahil sa mensahe at panalangin ng Santo Papa ay lalong tumatag ang  kanilang paninindigan […]

  • OVP, dumipensa na pumasa sa audit ng COA ang mahigit P668K halaga ng biniling equipment

    DUMIPENSA ang Office of the Vice President (OVP) na na-validate at pumasa sa audit ng Commission on Audit (COA) ang procurement o pagbili ng ahensiya ng mahigit P600,000 na halaga ng mga kagamitan para sa mabilis na pagpapatayo ng ilang satellite offices nito na nauna ng pinuna ng komisyon dahil sa bigo umano itong sumunod […]

  • 4 timbog sa Valenzuela buy-bust

    NASAKOTE ang apat na drug suspects, kabilang ang isang byuda matapos makuhanan ng higit sa P176K halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy- bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.   Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, alas- 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcemen […]