• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpabakuna laban sa tigdas: Malakanyang, pinayuhan ang mga magulang, guardians na dalhin ang mga anak sa mga health centers

PINAYUHAN ng Malakanyang ang taumbayan lalo na ang mga magulang na magpunta sa kani-kanilang health centers dahil sa kampanya ng gobyernong “Bakunahan sa Purok ni Juan”, handog ng pamahalaan na mabigyan ng bakuna ang kanilang mga anak laban sa tigdas.

Sumipa na kasi ang bilang ng kaso ng measles-rubella o tigdas sa bansa mula noong Enero 1 hanggang Marso 1.

Sa katunayan, ayon sa Department of Health ay nakapagtala ito ng 922 kaso ng nasabing sakit, na mas mataas ng 35% kumpara sa 683 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, magkakaroon ng measles catch up immunization campaign sa ilang piling Local Government Units (LGUs) sa Kalakhang Maynila at ito’y nakatakdang gawin mula March 17 hanggang 28.

“So, kung ang kababayan po natin ay may mga panahon, punta lamang po sila sa mga health centers at maia-avail po nila itong pagbabakuna especially po sa sinasabi nating tigdas,” ayon kay Castro.

“Katulad po nito, baka po iyong ibang mga magulang or guardians ay hindi pa po alam na mayroon po tayong “Bakunahan sa Purok ni Juan.” Ito po ha, sabihin ko po iyong mga lugar, punta lamang po sila sa health centers: Caloocan, Quezon City, Taguig, sa Manila, Mandaluyong at Las Piñas. At sa iba pang mga LGUs po ay gagawin po ito sa second quarter of 2025 so punta lamang po kayo sa health centers ngayon para sa pagpapabakuna ng inyong mga anak,” aniya pa rin.

Samantala sa ulat, pinakamaraming kaso ng tigdas ang naitala sa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos, Bicol, Western Visayas, at Soccsksargen region.

Batay sa datos ng DOH, 68% o  625 mula sa kabuuang bilang ng kaso ng measles-rubella ay mula sa mga batang hindi nabakunahan ng kontra-measles.

Ang measles o tigdas ay isang nakakahawang sakit na posibleng maipasa mula sa pag-ubo at pagbahing.

(Daris Jose)

Other News
  • New ‘Snake Eyes’ Character Poster Revealed Ahead of Teaser Trailer

    PARAMOUNT Pictures revealed a new Snake Eyes character poster ahead of teaser trailer, in order to get G.I. Joe fans hyped for the upcoming origin story feature film.      Snake Eyes will star Henry Golding (Crazy Rich Asians) in the leading role and take a deep dive into his origin story.     Various G.I. Joe comic books offer different explanations for the […]

  • Cayetano tiniyak kay Duterte aagahan ang approval sa budget; nag-sorry sa idinulot na ‘anxiety’

    TINIYAK ni House Speaker Alan Peter Cayetano kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa taongbayan na sa kabila ng ingay sa girian sa speakership post sa Kamara ay aaprubahan nila “on time” ang 2021 proposed P4.5-trillion national budget.   Sinabi ito ni Cayetano matapos na magbanta si Pangulong Duterte sa Kamara na ayusin ang panukalang pondo […]

  • P70-B, inilaan para sa unang dalawang tranches ng umento sa sahod ng mga gov’t employees

    IPINANUKALA ng gobyerno ng Pilipinas ang budget na P70 billion para sa una at pangalawang tranches ng umento sa sahod para sa mga empleyado ng gobyerno. “Iyong 70 billion po para sa adjustment na iyan ng first tranche at saka second tranche for next year kasi gusto po natin simulan na this year iyong first […]