• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpapakita ng ‘PDA,’ sisitahin na para labanan ang COVID cases – PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na istrikto nilang ipatutupad muli ang mga health protocols lalo na at tumaas na naman ang bilang ng Coronavirus Disease (COVID) cases dito sa Metro Manila.

 

 

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga local government units kaugnay sa mga umiiral nitong ordinansa.

 

 

May mga lugar na rin kasi sa ilang siyudad sa National Capital Region ang isinailalim sa lockdown dahil sa pagsirit ng COVID-19 cases gaya ng Quezon City, Pasay City, San Juan City at Manila.

 

 

Paalala rin ng PNP sa mga mag-asawa at “in a relationship” na mahigpit ng ipinagbabawal ang public display of affection (PDA).

 

 

Ayon kay PNP spokesman B/Gen. Ildebrandi Usana, inatasan na nila ang mga pulis na sakaling may makitang nagpi-PDA ay agad itong sitahin.

 

 

Kasama na rito ang halikan sa pampublikong lugar, hawakan ng kamay at yakapan.

 

 

Maliban sa mga mag-asawa at mayroong mga karelasyon, saklaw din ng paninita ng PNP ang mga miyembro ng pamilya at mga magkaibigan.

 

 

Paliwanag ni Usana, kahit sino ay puwedeng magdala ng virus kaya mas mabuti na ang magdoble ingat.

 

 

Samantala, muling nagpaalala ang PNP sa publiko na sumunod sa health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at social distancing.

 

 

Sa pamamagitan nito, maipapakita ang pagmamahal sa ating pamilya, kamag-anak at mga kaibigan sa gitna ng pag-iwas sa nakakamatay na COVID-19.

Other News
  • Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks

    Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.     Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para […]

  • Ads June 17, 2023

  • Reynang-reyna sa 15 million Youtube subscribers: IVANA, mas pinili na ‘wag mag-allow ng politics or election-related content sa vlog

    WALA nang iba pang reyna ng Youtube sa mga artista kung hindi ang sexy actress na si Ivana Alawi.      Nag-post si Ivana last Thursday sa kanyang Instagram account na 15 million na ang kanyang Youtube subscribers.     “Happy 15 million subscribers on Youtube!!!”     At parang pa-bonus ba niya o pasasalamat […]