• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA

SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA.
Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista.
“Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty.
“Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. Marami.
“Alden Richards, I wanna work with him, I haven’t worked with him.
“Feeling ko kaya ko siyang anuhin,” sabay tili ni Beauty.
Nang tanungin kung “aanuhin” niya si Alden ay patuloy na tumili habang tumatawa si Beauty sabay-tayo na tila tatakas na.
Pero muli itong naupo at sinagot ang tanong kung ano ang meron kay Alden at gusto niya itong “anuhin”.
“Because I wanna get the beast out of him,” at muling tumili at humalakhak si Beauty.
Sa palagay niya ay kaya niyang gawin iyon?
“Kaya ko! Kaya ko.”
Ano naman ang role na nakikita niya para kay Alden?
“I want him to be bad boy. Yung parang ano, I don’t know, different thing, I don’t know.”
Natanong si Beauty kung napanood niya ang pelikula nina Alden at Julia Montes, ang ‘Five Breakups and a Romance’ kung saan naiibang Alden ang mapapanood.
“No I haven’t watched it, I was in Bacolod doing a film, e. And I was on the outskirts of Bacolod not really in Bacolod City so I haven’t really had the chance to watch it but congratulations, I heard it was an awesome film.”
Malamang ay kayang kabugin ni Beauty ang mga mapangahas na eksena na ginawa nina Alden at Julia sa pelikula.
“Oh yeah, kaya ko yan, yes, yes,” ang mabilis na sagot ni Beauty.
Wala pa bang plano na pagsamahin sila ni Alden sa isang pelikula o teleserye?
“I’m presenting myself,” sabay-taas ng kamay ng aktres.
May mapangahas na pelikula sina Beauty at Sid Lucero, ang ‘The Outside’, kaya may nagbanggit na gusto ba ni Beauty na “i-Sid Lucero” si Alden?
“Yeah, hindi lang Sid… isisisid ko siya,” ang muling tumitili at humalakhak na sagot ni Beauty.
Bakit si Alden ang specifically nabanggit ni Beauty amongst the male stars ng GMA?
“Well because he is hottest guy right now and you wanna hit with the hottest one, right,” at muling tumawa si Beauty.
“But you know kidding aside I really wanna work with everybody else, the new Sparkle artists, from Star Magic, everybody.
And it’s always nice to see new talents also and discover new ones.”
Gaganap si Beauty bilang si Farrah, si Carla Abellana bilang si Lucy at si Gabby Concepcion bilang si Darius sa naturang serye.
Sa direksyon ni Jerry Sineneng, nasa cast rin ng ‘Stolen Life’ sina Lovely Rivero bilang Belen, Divine Aucina bilang Joyce, Anjo Damiles bilang Vince, Juharra Asayo bilang Cheska, at si Miss Celia Rodriguez bilang Azon.
Mapapanood na ito sa simula sa Nobyembre 13, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.
(ROMMEL L. GONZALES)
Other News
  • PBBM, nangako na palalakasin ang RAIL TRANSPORT System ng Pinas

    IPAGPAPATULOY ng gobyerno na gawing mas ‘seamless at modernisado’ ang transport system sa bansa. “Our journey towards a more seamless and modernized public transportation system does not end here,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , matapos pangunahan ang inagurasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) Cavite Extension Project Phase 1 sa Parañaque […]

  • SIM card registration, suspindihin muna para sa mabantayan ang datos ng publiko

    KASUNOD  na rin sa sunud-sunod na data system hacks sa mga government websites ipinag-uutos na sana ay sispindihin muna ang SIM card registration para sa mabantayan ang datos ng publiko.     Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel, kailangang itigil muna ang pagkuha ng online data ng mamamayang Pilipino hangga’t di naipapakita ng administrasyon […]

  • LTO: “No registration, No travel”

    PINAIGTING ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang polisiya sa “no registration, no travel” kung saan nakipagsanib ng lakas ang LTO sa Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga hindi rehistradong pribado at public utility vehicles (PUVs). Sa huling pakikipagusap ng LTO sa PCG ay nagkaron na ng finalization ang mga strategic plans sa pagpapatupad […]