• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpo-focus na lang sa singing career: JOJO, nasaktan sa pang-iiwan ni MARK kaya nag-goodbye na 

SA ipinatawag na emergency presscon ng talent management ni Jojo Mendrez na Aqueous Entertainment, inamin ng Revival King na labis-labis siyang nasaktan at na-offend nang bigla na lang umalis at hindi man lang nagpaalam sa kanya si Mark Herras.
Naganap nga ito sa 38th Star Awards for TV kung saan silang dalawa ang magkasamang magpe-present ng special awards.
Isiniwalat nga ito ng Star Music artist at ng mga manager niya ang ilang issue sa kanila ni Mark kasabay ng paglilinaw sa biglang pag-alis ng actor-dancer sa nasabing awards night na ginanap sa Dolphy Theater.
Ipinaliwanag din niya kung bakit kailangang palitan si Mark ni Rainier Castillo.
Ang paalam kasi ng actor-dancer ay magpupunta lang sa CR, pero ilang minute na ang lumipas ay hindi pa ito bumabalik.
Say pa raw ni Mark, hindi na raw ito bumalik dahil may emergency na kailangan niyang puntahan.
Dahil sa paghihintay kay Mark, pinakiusapan pa raw ng team ni Jojo ang organizer ng event na iurong ang gap nila sa program.
At nang malaman niyang umalis na talaga si Mark at agad nilang tinawagan si Rainier para pumalit, buti na lang daw at nasa area lang ito ng venue ng event, dahil sa Quezon City lang ito nakatira.
Paghihimutok tuloy ni Jojo, sa kabila raw ng mga suporta at tulong niya kay Mark ay nagawa pa raw siyang iwanan sa ere. At hindi talaga ito direktang nagpaalam sa kanya at sabihan na aalis na siya.
Inamin din ni Jojo na bayad ang talent fee ni Mark sa lahat ng ginawa nilang collaboration, kabilang na ang duet nila ng kantang “Somewhere in My Past.”
May honorarium din pala siya sa mga special appearances kapag may live show si Jojo para sa promo ng naturang kanta at ng very first original single niyang “Nandito Lang Ako.”
Ipinagdiinan din ni Jojo na wala talaga silang naging relasyon ni Mark na higit pa sa pagkakaibigan at katrabaho.
Ang nakakaloka pang rebelasyon pa ng management ng Revival King, na may malaking pagkakautang pa raw ang aktor kay Jojo, na ginamit raw sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Pero sa ngayon ay wala pa silang balak na kasuhan si Mark, pero pinag-iisipan pa rin nila ng kanyang abogado.
At dahil sa mga kinasasangkutang siyu, minabuti na ni Jojo na magpadala ng mensahe ng pasasalamat kay Mark at tapusin na ang MarJo chapter, dahil siya na ang kusang lalayo. Isang thumbs up lang daw ang sinagot ni Mark.
Sa totoo lang, nag-viral na naman ang #MarJo, na nabuwag na nga at ngayon si Rainier naman ang tinututukan ng netizens, na sa tingin nila ay pinagseselosan daw ni Mark.
Kaabang-abang nga ang magiging pahayag ni Mark sa naturang isyu sa kanila ni Jojo, na nasasangkot nga ang kaibigan niyang si Rainier.  Hihintayin namin ang magiging sagot ni Mark, ilalabas din namin ang kanyang panig, kung magbibigay siya ng kanyang statement.
And hopefully, magkaayos pa rin sila ni Jojo at magkausap, para lahat ay masaya.
Anyway, tama naman na mag-focus na lang si Jojo sa kanyang singing career dahil marami siyang naka-line up na projects sa Star Music PH.
Nakaka-excite naman talaga, dahil bukod sa “Nandito Lang Ako” na napakaganda ng mensahe at maraming nakaka-relate, kaabang-abang ang kanyang sariling rendisyon ng tatlong hit OPM hits na “I Love You, Boy” ni Timmy Cruz, “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ni Michael Pangilinan, at “Tamis Ng Unang Halik” ni Tina Paner.
Pasabog daw kung sinu-sino ang mga kilalang OPM artists na makaka-collab ni Jojo sa kanyang next projects.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Quezon City may libreng COVID-19 test sa mga pumila sa pantry ni Angel Locsin

    Inaanyayahan ng ­Quezon City Epidemio­logy and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga residente at fans ng aktres na si Angel Locsin na nagtungo sa itinayo niyang community pantry sa Brgy. Holy Spirit noong Biyernes, na mag-avail ng libreng swab testing service na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.     Ayon kay CESU chief Dr. Rolando […]

  • Magaganap sa Oct. 27 sa MOA Arena: SHARON at GABBY, sabay nag-post sa kanilang IG na matutuloy na rin ang concert

    SABAY na nag-post sa kanilang Instragram sina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ng “10.27.2023” SM MOA ARENA with silhouttes of a man and woman, apparently of the veteran actors, while an instrumental of Sharon’s “Dear Heart” plays in the background, na ginawa nilang movie in 1981.     Nangunang na-excite ang friend nilang si […]

  • Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na!

    UMAABOT na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).     Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.     Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga […]