• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magpo-propose at pakakasalan uli: RUFFA, ‘di sineseryoso si YILMAZ na gustong makipagbalikan

MAY rebelasyon si Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas.
Ayon kay Ruffa, madalas na raw silang nagkaka-usap. At nagsabi raw ito na gustong mag-propose muli sa kanya.
“Sabi niya, gusto raw niyang mag-propose muli sa akin at pakasalan ako. Sabi ko naman, is that a joke?!”
Hindi na pala nag-asawang muli si Yilmaz.
Natatawang hirit ni Ruffa, “He cannot find anyone like me, ‘no!”
Inamin naman ni Ruffa na masaya siya, lalo na sa mga anak na sina Lorin at Venice. Nawala raw ang pain o bitterness sa puso ng mga ito na meron ang mga ito sa mahabang taon.
Mukhang hindi naman sineseryoso ni Ruffa ang tila pagpapalipad hangin sa kanya ng dating asawa.
Natatawa lang ito at nang tanungin namin kung wala bang nati-threatened na may ganyan silang palitan ng usap ni Yilmaz, mabilis ang sagot niya na, “Naku wala!”
Saka natatawang isinunod na, “Confident!”
Mas younger looking at kapansin-pansin na rin ang pagpayat ni Ruffa. Talagang important raw sa kanya ang maging healthy. Five times a week daw siyang mag-gym.
At bukod dito, malaking tulong daw kay Ruffa ang bagong ine-endorso na Luxe Skin Glowlotion, Soft Matte Lip Cream at Luxe Slim ng “I Am G, Glowing Ruffa G” with the CEO and founder na si Anna Magkawas.
***
Direk MIKE, naging stroke victim sa panahon ng pandemic
LABING-ANIM na taon na pala nang huling gumawa ng pelikula ang director na si Mike Sandejas.
Ang huling dalawang pelikula niya na ‘Dinig Sana Kita’ at ‘Tulad ng Dati.’
Isa na rin ang obvious flight ng local cinema kung bakit tumigil siyang gumawa ng pelikula. Instead, gumawa muna siya ng mga ilang brand shoot. Naging stroke victim din siya sa panahon ng pandemic. Pero after 16 years, tulad ng pelikula niyang “Sinagtala, The Movie” ng Sinagtala Productions, nakita raw niya ang purpose niya to do films na puwedeng makapagbigay purpose rin sa mga manonood.
Very proud si Direk Mike sa pagbabalik pelikula niya. Kaya umaasa siya na marami ang manood sa sinehan simula sa showing nito sa April 2.
Proud din siya sa mga bida ng “Sinagtala” na sina Rayver Cruz, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Arci Muñoz at Matt Lozano. May kanya-kanyang pinagdadaanan ang kanilang karakter na siguradong marami ang makakaka-relate.
“Sinagtala The Movie” is written and directed by Direk Mike na bawat isang karakter ng mga bida also resonates in him.
Excited kaming mapanood ito sa mga sinehan. Fan kami ng mga dati niyang pelikula kaya gusto naming makita ang bago niyang io-offer ngayon.
(ROSE GARCIA)
Other News
  • US journalist patay sa Russian attack sa Ukraine; 2 pang mamamahayag, sugatan

    HINDI rin nakaligtas sa mas tumitindi pang kaguluhan ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine ang mga American journalist na kasalukuyang nasa Ukraine.     Ito ay matapos na masawi ang isang award-winning American journalist na si Brent Renaud, na kinilalang naging contributor sa pahayagang New York Times matapos itong barilin umano ng Russian forces […]

  • Pinay rower Joanie Delgaco nagtapos ng pangalawang puwesto sa Heat D classification race

    NAGTAPOS sa pangalawang puwesto si Joanie Delgaco sa kabuuang anim na rower sa Heat D classification race sa Nautical St- Flat Water.           Nakakuha si Delgaco ng kabuuang oras na 7:43:83 minuto.           Dahil sa nasabing performance nito ay nagtapos ito ng pang-20 na puwesto sa overall ranking […]

  • Ex-PAL chief Jaime Bautista, napili bilang DOTr chief sa ilalim ng administrasyong Marcos

    HINIRANG ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang dalawang outgoing officials mula sa administrasyong Duterte  bilang bahagi ng pagpuno sa mga bakanteng posisyon sa kanyang incoming administration.     Si Marcos,  nakatakdang manumpa  bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa Hunyo 30,  ay pinangalanan sina  outgoing Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre “Bebot” Bello […]