Mahahalagang features sa bagong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Manila Water, isinapubliko
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang ilang mahahalagang features sa revised concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Manila Water.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bagong kasunduan na nilagdaan ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay mayroong sumusunod na “key features” :
1. Pag-alis ng government non-interference clauses. Hindi na mananagot ang pamahalaan kapag natupad na nito ang kanyang regulatory functions para protektahan ang mga consumer.
2. Pagkilala sa Manila Water bilang public utility, na malinaw na may pananagutan sa pamahalaan at sa publiko.
3. Pag-alis sa karagdagang probisyon na “unduly compromise medium at long term government liabilities (contingent liabilities) gaya ng :
Pag-alis sa National Government’s Performance Undertaking para sa future debt
Ang lahat ng utang at naging gastos ng Concessionaire ay kailangan na marebisa at maaprubahan ng Regulatory Office
Ang lahat ng tinatawag na fully recovered assets ay kagyat na ilipat sa gobyerno upang matiyak na walang magaganap na double payment sa pagtatapos ng kontrata.
“Material Government Adverse Action (MAGA) is limited only to actions of the Executive so that the National Government is not liable for things outside of its control,” aniya pa rin.
Ang bagong kasuduan ayon kay Sec. Roque ay mayroong sumusunod na advantages sa mga consumer:
1. Ang Corporate Income Tax ay hindi icha-charged sa mga consumer hindi katulad sa nakalipas na Concession Agreement.
2. Mayroong Tariff Freeze hanggang Disyembre 31, 2022.
3. Ang tariff adjustment para sa inflation ay kailangan na 2/3 ng Consumer Price Index hindi katulad ng nakaraang kontrata na mayroong 100% inflationary impact.
4. Pag-alis sa Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na magreresulta sa mas mababang tariff increases at protektahan ang mga consumer mula sa posibleng pagsirit ng taripa dahil sa galaw ng foreign exchange .
“This proves that the President is for the interest of the Filipinos,” aniya pa rin.
Ani pa ni Sec. Roque na ang bagong kasunduan ay hinulma mula sa joint venture agreement ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Malaysian firm MTD Capital Berhad para sa pagtatayo ng sports facilities sa New Clark City gaya ng ipinayo ng Asian Development Bank.
“We are confident that this new agreement protects the government and the consumers,” ang pahayag ni Sec.Roque.
Sa ulat, isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang mga kasunduan nito sa dalawang water concessionaires sa Metro Manila.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, halos kumpleto na ang mga detalye ng water supply agreements.
Kapag naisapinal ang mga water deal, ang negosasyon sa Maynilad at Manila Water ay tiyak na sisimulan.
Matatandaang pinapa-amiyenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontrata sa dalawang water concessionaires para tanggalin ang mga maanomalyang probinsyon sa lumang kasunduan. (Daris Jose)
-
Pagbuo ng isang task force para sa pagsagip ng mga Pilipinong marino na nasangkot sa mga sakuna sa karagatan, aprubado
Inaprubahan ng House Committee on Overseas Workers Affairs ang ulat ng komite sa substitute resolution sa House Resolution 1344. Ang panukala ay inihain ni Marino Partylist Rep. Macnell Lusotan, na naglalayong himukin ang mga Departments of Foreign Affairs (DFA), Transportation (DOTr), Labor and Employment (DOLE), at Justice (DOJ), Philippine Coast Guard (PCG), Maritime […]
-
Nawala na ang gana kahit may nag-iimbita pa rin: GABBY, minsan nang nangarap na maging mayor pero ‘di pinalad
MAY mga taga-showbiz na nagkandarapa sa pulitika at yung ilan sa kanila ay ginamit ang pagiging artista para lang sa ambisyon na maging pulitiko. Never say die pa ang drama ng ilang taga-showbiz. Kumbaga kahit makailang beses na natalo ay hindi mapigilan ang mga ito sa pagtakbo tuwing eleksiyon. Pero iba naman ang isang Gabby […]
-
Duterte,itinanggi ang inilabas na Maisug viral video na nagpapakita na gumagamit ng ilegal na droga si PBBM
SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang kinalaman ang Hakbang ng Maisug sa pagpapalabas ng di umano’y video na nagpapakita na may isang lalaki na may pagkakahawig kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot bago pa ang State-of-the-Nation Address. “The Hakbang ng Maisug national leadership has […]