• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahalaga para isulong ang open governance: DBM, sanib puwersa sa lahat ng sektor

BINIGYANG DIIN ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng partnership at pagtutulungan sa lahat ng sektor para isulong ang open government agenda.
Ito’y matapos na makipagpulong si Pangandaman sa mga miyembro ng Makati Business Club (MBC) at Center for International Private Enterprise (CIPE), at maging sa iba pang lider ng business community sa sidelines ng Open Government Partnership (OGP) Asia and the Pacific Regional Meeting 2025.
“By fostering dialogue between the government and the private sector on budget transparency, open governance, and policy reforms, you not only support our cause: you are our partners in our Agenda for Prosperity,” ang sinabi ni Pangandaman, umaakto bilang chairman ng Philippine OGP.
“Now, more than ever, we understand that true leadership is not defined by the position you hold but by your ability to empower people toward a shared goal of collaboration and good governance,” aniya pa rin.
Inorganisa ng MBC at CIPE, tinalakay sa pagpupulong ang kahalagahan ng ‘budget process at priorities ng gobyerno, procurement reforms, at open government initiatives’ sa pribadong sektor at ang papel na kanilang gagampanan sa pagsusulong ng mga nasabing inisyatiba.
Ani Pangandaman, bukas ang pamahalaan na makipagtulungan sa civil society para tugunan ang anumang patlang o puwang sa pamamahala.
“Call us anytime, we can sit down. That’s really the main reason for Open Government Partnership. That’s why we’re here,” ang sinabi ng Kalihim.
Ang OGP Asia and the Pacific Regional Meeting 2025 ay tatakbo mula Miyerkules hanggang Biyernes sa Grand Hyatt Hotel sa Taguig City.
Mahigit sa 800 opisyal ng gobyerno, civil society leaders, at policymakers mula sa mahigit na 40 bansa ang inaasahan na magpapartisipa.
Ang OGP ay isang global, multi-stakeholder initiative kung saan kabilang ang 75 bansa at 150 local governments, na may layunin na gawing mas ‘transparent, accountable at responsive to citizens’ ang gobyerno.
Pino-promote nito ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at civil society para mapahusay ang public service, paglaban sa korapsyon, bigyang kapangyarihan ang komunidad at lumikha ng tunay at pangmatagalang pagbabago.
Nakatuon naman ang APRM na isulong ang open government at tugunan ang regional challenges sa pamamagitan ng pagbahagi ng practices at innovative solutions na magpapalakas sa pamamahala sa Asia-Pacific. ( Daris Jose)
Other News
  • Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.   “Alam mo, it is high time that government consider na we […]

  • Ads July 20, 2024

  • OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas

    OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng […]