Maharlika Fund lusot na sa Senado
- Published on June 3, 2023
- by @peoplesbalita
LUSOT na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukala para sa pagbuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na sinertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa botong 19-2-1, ipinasa ng Senado ang Senate Bill No. 2020 o Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros ang bumoto kontra sa panukala habang nag-abstain si Sen. Nancy Binay.
Wala naman sa ginanap na botohan sa plenaryo na inabot ng madaling araw sina Pimentel, Senators Chiz Escudero at Imee Marcos.
Sa bersyon ng Senado, ipagbabawal na mag-invest sa MIF ang SSS, GSIS, PhilHealth, Pag-IBIG, OWWA at Philippine Veterans Affairs Office.
Bagama’t noong una ay inalis na sa Senate Bill 2020 ang probisyon sa paggamit ng pondo ng GSIS at SSS, malinaw namang nakasaad sa Section 12 ng panukala na maaari pa ring mamuhunan ang mga GFIs at GOCCs sa MIF lalo na kung ito ay aaprubahan ng kanilang board.
Nagmosyon naman sina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa, Raffy Tulfo at Pia Cayetano na amyendahan at magsingit ng probisyon na titiyak na hindi magagalaw ang pension funds ng government at private sector employees.
Iginiit naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na tanggalin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dividends bilang source ng pondo sa unang dalawang taon ng MIF, pero ibinasura ito ni Sen. Mark Villar.
Tinanggap naman ni Villar ang panukala ni Hontiveros na idiskuwalipika sa MIF Board of Directors ang sinumang may nakabinbing kaso na may kinalaman sa fraud, plunder, corrupt practices, money laundering, tax evasion at iba pa.
Kasunod nito, inadopt na ng Kamara sa bicameral conference committee meeting ang bersyon ng Senado sa MIF Bill. Tuma-gal lamang ng 20 minuto ang ginanap na pulong ng bicam sa Manila Golf & Country Club sa Makati.
Kapag naratipikahan na ay diretso na ito sa tanggapan ng Pangulo para malagdaan. (Daris Jose)
-
Witness A Different Side Of Buboy Villar In A Heart-Touching Movie ‘Ang Kwento ni Makoy’
EMBARK on an emotional rollercoaster ride as former child star-turned-comedian Buboy Villar stars in “Ang Kwento ni Makoy,” a heart-moving story directed by Direk HJCP and produced by Masaya Studio Inc. Opening in cinemas nationwide on December 7, 2022, “Ang Kwento ni Makoy” highlights the story of an optimistic and compassionate nurse who is […]
-
‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT
SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tourism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’. Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT […]
-
Ilang NBA stars, hindi pa tiyak na sasali sa Olympics
Wala pang katiyakan ang ilang NBA stars kung maglalaro sila sa Tokyo Olympics sa susunod na taon. Ilan sa mga dito ay sina Golden State Warriors player Stephen Curry, Andre Wiggins at Damian Lilard ng Portland Trailblazers. Halos magkakapareho ang kanilang kasagutan na hindi pa nila matiyak kung sila ay sasabak sa Tokyo […]