Maharlika Fund, magiging fully operational bago magtapos ang 2023
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na magiging “fully operational” ang Maharlika Investment Fund (MIF), “very first sovereign wealth fund” ng Pilipinas bago matapos ang taon.
Kumpiyansang ipinahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang Maharlika Fund bill, matapos na aprubahan ng Kongreso noong nakaraang linggo, in-adopt ang bersyon ng Senado sa bicameral conference committee meeting, ay nakatakdang tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago niya ihayag ang kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 24.
Ang panukalang batas na ito ay nakatakdang “i-enroll at i-transmit para sa approval at lagda ng Chief Executive.
“Once enacted into law, We’re expected to prepare the IRR [implementing rules and regulations]. We’re expected to look for people to man the MIC [Maharlika Investment Corporation],” ayon kay Diokno.
Ang MIC, isang government-owned company, ang mangangasiwa ng sovereign wealth fund, MIF—”a pool of funds sourced from state-run financial institutions that will be invested in high-impact projects, real estate, as well as in financial instruments.”
“That’s the direction and I see this to be fully operational before the end of the year,” ani Diokno.
Nakasaad sa MIF bill na ang Maharlika Fund ay nilikha gamit ang “P50 billion mula sa the Land Bank of the Philippines (LBP), P25 billion mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) at P50 billion mula sa National Government.
Ang kontribusyon mula sa national government ay manggagaling mula sa “Bangko Sentral ng Pilipinas’ total declared dividends, National government’s share of the income of PAGCOR, Properties, real and personal identified by the DOF-Privatization and Management Office at Other sources such as royalties and/or special assessments.”
Sinabi pa ni Diokno na ang MIF ay mayroong initial capitalization na P75 billion sa pagtatapos ng taon, manggagaling sa Landbank at DBP.
Winika pa ni Diokno na ang MIF bill ay nagbibigay ng “necessary safeguards” para panatilihin ang “transparency, accountability, fund integrity, at robust risk management.”
“We believe that the version crafted by our legislators will create a Fund that can accelerate investments in high-impact infrastructure and development projects,” ayon kay Diokno.
Samantala, kabilang naman sa mga pangunahing amyenda na ipinakilala sa panukalang batas ay “absolute prohibition of the use of funds from the Government Service Insurance System (GSIS), the Social Security System (SSS), the Philippine Health Insurance (PhilHealth) Corporation, Pag-IBIG, the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and the Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) in the capitalization and investments in the Maharlika Fund.” (Daris Jose)
-
DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin
BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, […]
-
Sa naganap na holiday party ng NetfliX: HEART, nakitang kasama ang ‘Bling Empire’ star na si KANE LIM
MAGIGING maganda ang pagtatapos ng 2021 para sa Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil sa pakikipagbalikan sa girlfriend na si AC Banzon na ina ng kanyang anak na si Precious Christine o Pre. Nag-celebrate ng 5th birthday niya si Pre at namasyal silang tatlo sa isang marine theme park. Post […]
-
High trust para sa AFP , hindi ikinagulat ng Malakanyang
HINDI na ikinagulat pa ng Malakanyang ang kamakailan lamang na survey ng PUBLiCUS na nagpapakita na nakakuha ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mataas na “trust rating” mula sa 10 ahensiya ng pamahalaan. Ang katwiran ng Malakanyang, kitang-kita naman kasi kung paano gampanan ng AFP ang tungkulin nito sa panahon ng […]