• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika Investment Fund, hindi gagamitin pambili ng mga luxurious items —PBBM

HINDI gagamitin ang Maharlika Investment Fund (MIF) para ipambili ng luxurious items.

 

 

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko.

 

 

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng Pangulo ang mga kontra at salungat na pahayag sa  newly-signed law.  Sa katunayan, ilan sa mga ito ay “nakatatawa.”

 

 

“I note that some of the objections very early on, I would hear some people commenting, hindi ba pag may pera tayong ganyan, may pondo tayong ganyan, dapat ilagay ‘yan sa agricultural, ilagay ‘yan sa infrastructure, dapat ilagay ‘yan sa energy development,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“Eh nanonood ako ng television sabi ko, siyempre kinakausap ko ang TV, saan niyo kaya iniisip na ilalagay ‘yan, bibili kami ng magagarang kotse? Bibili kami ng malaking yate? That’s… it makes me laugh because that is so far from the truth,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, nilagdaan ng Chief Executive  upang maging ganap na batas ang MIF, kung saan gagamitin ang state assets para sa  investment ventures para makalikha ng karagdagang  public funds.

 

 

Tinintahan ang Republic Act No. 11954 sa kabila ng pangamba at pag-aalala sa batas na ito, tinukoy ng ilang mambabatas ang mga mali at pagkakaiba at maging ang malabong probisyon nito.

 

 

Pinawi naman ng Pangulo ang pangamba sa paggamit ng MIF,  sabay sabing ito’y  ‘independent’  mula sa gobyerno at hindi dapat na iugnay sa politika.

 

 

“Through the fund we will leverage on a small fraction of the considerable but underutilized investable funds of the government and stimulate the economy without the disadvantage of adding additional fiscal and debt burden,” ayon sa Pangulo sa isinagawang paglagda sa  MIF.

 

 

“Let us make sure that these are professionals. Let us make sure that the decisions that are being made for the fund are not political decisions that they are financial decisions because that is what the fund is,” dagdag na wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi naman ng  economic managers ni Pangulong Marcos na ang MIF ay maaaring magsilbi  bilang alternative financing option para sa gobyerno kapag ang Pilpinas  ay naging “upper middle-income state.”

 

 

Sa kabilang dako,  hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ipinalalabas ng Malakanyang ang kopya ng newly-signed law subalit sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office, itatatag ang Maharlika Investment Corporation (MIC)  bilang “sole vehicle” para sa paggamit ng  MIF.

 

 

“The MIC will have an authorized capital stock of P500 billion, the P375 billion of which shall have corresponding common shares available for subscription by the national government, its agencies or instrumentalities, government-owned and controlled corporations or GFIs, and government financial institutions,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“The remaining P125 billion in capital shall have corresponding preferred shares available for subscription by the national government, its agencies or instrumentalities, GOCCs or GFIs, and reputable financial institutions and corporations,” ayon pa rin sa Malakanyang.

 

 

Matatandaang, sa isang survey  ng Social Weather Stations (SWS) nitong Marso ng taong kasalukuyan, natuklasan na 51% ng mga Filipino ang umaasa lamang ng maliit o walang benepisyo mula sa MIF(Daris Jose)

Other News
  • SARAH, mukhang nakipagbati na kay MOMMY DIVINE; MATTEO, pinayuhan ng netizens na magpa-good shot

    MUKHANG nagkabati na sina Sarah Geronimo at Mommy Divine.     Nag-react nga ang netizens at Popsters sa latest post ni Sarah sa kanyang Instagram Stories na kung saan ipino-promote ng singer-actress ang mga organic products na nagmula sa farm ni Mommy Divine sa Tanay, Rizal.     Sa mga litrato ng fruits and vegetables […]

  • Ana Patricia Non nakatanggap ng Ambassador’s Woman of Courage Award mula US Embassy

    GINAWARAN  ng Unites States Embassy sa Manila ng Ambassador’s Woman of Courage Award ang maginhawa Community Pantry organizer na si Ana Patricia Non.     Iginawad ni Chargé d’Affaires Heather Variava ang naturang award na kumikilala kay Non sa kaniyang inisyatibo na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magtulungan sa kasagsagan ng lockdown dahil […]

  • No garage, no car’ sa Metro Manila, 9 probinsya, isinulong

    ISINUSULONG  ni Senate Majority Leader Joel ­Villanueva ang pag-obliga sa mga may-ari ng sasakyan na magpakita ng pruweba na mayroon silang garahe bago sila makapagparehistro ng sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).     Ayon kay Villanueva, ito ay para matigil ang pag-park ng mga sasakyan sa gilid ng kalsada na nagdudulot ng matinding pagsisikip […]