• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika Wealth Fund ‘soft-launch’ nakatakdang gawin ni PBBM sa Switzerland

NAKATAKDANG  pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo.

 

 

Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).

 

 

Ayon kay DFA Undersecretary Carlos Sorreta, biyahe patungong Switzerland si Pangulong Marcos mula January 15 hanggang 20.

 

 

Sa kanilang isinagawang pre-departure briefing, inihayag ni Sorreta na si Pangulong Marcos ang isa na naisip na pag-usapan ang tungkol sa Maharlika Wealth Fund sa World Economic Forum (WEF at ito ay isang magandang ideya.

 

 

Aniya, ang World Economic Forum ay isang “great venue” para pag-usapan ang tungkol sa sovereign wealth fund, dahil sa pagiging prominente ng forum mismo.

 

 

Gayunpaman, nilinaw niya na ang pag-uusapan lamang ni Marcos ay ang malalawak na stroke ng sovereign wealth fund.

 

 

Dagdag pa ni Sorreta na isinusulong ng Pangulo ang Maharlika Wealth Fund dahil “ito ay isang investment sa hinaharap,” at kumpiyansa si Marcos sa “ability and capabilities ng mga Pilipino, Filipino entrepreneurs, at local investors. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM tiniyak ang mas maayos at modernong transportasyon sa bansa

    SINIGURO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino ang mas maayos at modernong transportasyon at ginagawa ng kaniyang administrasyon ang mga nararapat na hakbang upang makamit ang layuning ito.     Ginawa ng Pangulo ang pahayag ng dumalo ito sa paglagda ng loan agreement para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) kahapon sa […]

  • James, Issa at Enrique, sumuporta sa advanced screening: LIZA, nag-shine at nag-iwan ng marka sa ‘Lisa Frankenstein’

    NAG-SHINE ang Filipino actress na si Liza Soberano sa kanyang debut sa Hollywood sa horror-comedy film na ‘Lisa Frankenstein’ mula sa Focus Features at Universal Pictures International.   Mula sa inventive, delightfully twisted minds ng Academy Award®-winning na screenwriter na si Diablo Cody and first-time feature director ni Zelda Williams, hatid nila ang fiendishly clever […]

  • ‘Di pagpunta ni Yen sa premiere night ginawan ng isyu: PAOLO, ‘di na kailangang ipangalandakan ang personal nilang buhay

    NAG-LAST shooting day na pala ang BarDa love team nina Barbie Forteza at David Licauco ng kanilang first movie-team-up, ang “That Kind of Love.”      Sinurpresa sila ng kanilang mga official fan groups, na nag-set ng isang car na ang trunk ay pinuno nila ng purple and silver balloons, streamers ant printed photos ng mga […]