• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maharlika wealth funds ‘advantageous’ sa Pilipinas ayon kay PBBM

DINEPENSAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatayo ng Maharlika Wealth Fund na siyang magbibigay daw ng dagdag na investments sa bansa.

 

 

Sa kanyang unang public statement sa kontrobersyal na bill, sinabi ng president na naniniwala siyang magiging “advantageous” ito sa bansa. “ For sure, I wouldn’t have brought it up otherwise.”

 

 

“It’s very clear we need added investment. This is another way to get that,” dagdag pa niya.

 

 

Ito ang nagging tugon ng pangulo nang tanungin siya ng reporters habang sila ay patungong Belgium para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na dapat daw muna itigil ang mga pagdedebate hangga’t hindi pa nakikita ang “final form” ng proposed bill at mas mabuting hintayin kung ano ang gagawin ng mga mambabatas ukol dito.

 

 

“Because we could be debating about provisions that will no longer exist,” ani Marcos.

 

 

Sa ngayon, inamyendahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang Maharlika fund bill matapos umani ng kritisismo ang proposal.

 

 

Kasama sa mga binago ang pagtatanggal sa Government Service Insurance System at Social Security System bilang pondo para sa sinasabing sovereign fund bill. Sa ngayon, kita mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang magiging source ng seed money para sa Maharlika fund. (Daris Jose)

Other News
  • BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT

    NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  Clark International Airport ang isang papaalis na  biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.     Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng  Emirates Airlines  sa pamamagitan ng pagpapakita ng […]

  • LTFRB, nagbabala sa mga PUV driver na naniningil ng sobra sa sapat na pamasahe

    NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga tsuper ng public utility vehicle hinggil sa overcharging sa pasahero ng ilan sa mga ito.     Kasunod ito ng isang insidente kung saan siningil ng tripleng halaga ng normal na pamasahe ang K-pop boy band member na si Joshua Hong noong […]

  • Kaya naging mas maingat sa kanyang kinikita: RABIYA, takot nang bumalik na nangungutang dahil walang-wala

    NAGING sobrang maingat na raw sa kanyang kinikita sa showbiz si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.     Natuto na raw itong maging kuripot dahil alam niyang hindi magiging permanente ang buhay niya sa showbiz at ayaw niyang bumalik sa dati ang buhay nila.     Ayon sa TiktoClock host: “I’m very sigurista. Siguro […]