Mahigit 1.1K kabataan, binakunahan sa pilot pediatric vax
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAHIGIT sa 1,000 menor de edad na may edad na 15 hanggang 17 binakunahan na bilang bahagi ng pilot pediatric vaccination.
Ito ang ulat ng National Task Force (NTF) Against Covid-19.
Sinimulan ng pamahalaan ang rollout sa 8 ospital sa iba’t ibang bahagi ng Kalakhang Maynila na nagsimula noong Oktubre 15, gamit ang Pfizer-BioNTech vaccine, isa sa mga bakunang inaprubahan ng Food and Drug Administration para sa mga kabataang ang edad ay 12 hanggang 17.
“We started the vaccination of children and we used Pfizer vaccine for 15 to 17 years old. Eight hospitals did the vaccination and a total of 1,153 children below 18 years old have been vaccinated. That’s only as of today,” ayon naman kay NTF medical adviser Dr. Teodoro Herbosa sa isang panayam sa Ninoy Aquino International Airport.
Si Herbosa, kasama si United States Embassy Cultural Affairs Officer Nina Lewis, ay winelcome ang pagdating ng 862,290 Pfizer-BioNTech doses, na bahagi ng 2,290,860 government-procured doses na nakatakdang dalhin sa Davao, Cebu, at Maynila Oktubre 14 hanggang 16.
“Noting this increase in Pfizer supply, the government is on track to vaccinate children aged 12 years to 14 years by next week and those outside Metro Manila no later than November 5,” anito.
“We’re very happy that the US continues to support us in the national vaccine program. They’re our biggest partner in the arrival of vaccines both through the COVAX (Facility) and through the procured vaccine,” dagdag na pahayag ni Herbosa. (Daris Jose)
-
Pinas, nangako na palalakasin ang pagbabakuna sa mga lalawigan laban sa COVID-19 surge
LALABANAN ng gobyerno ang posibleng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng COVID-19 vaccination at pagbibigay ng access sa anti-COVID-19 medicines. Ang pahayag na Ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung handa ba ang bansa sakali’t magkaroon ng […]
-
DBM AT COA PINALAWIG ANG KONTRATA NG JOB ORDERS AT CONTRACTUALS
PINALAWIG pa ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission on Audit (COA) hanggang 2022 ang pagkuha ng mga contractual at job orders na mga empleyado. Sa Joint Circular No. 2, na dahil sa krisis dulot ng COVID-19 ay naapektuhan ang operasyon ng mga government agencies kaya mahalaga ang mga job orders at […]
-
“Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.” Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain […]