• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAHIGIT 100 TOLONGGES NA MTPB TRAFFIC ENFORCER SA MAYNILA, NASIBAK

BILANG bahagi ng ipinatupad na “one strike policy” sinampolan ang isang traffic enforcer na nag-viral sa social media matapos itong sibakin dahil sa pauli-ulit na kasong mi-apprehension.

 

 

Ayon kay MTPB Director Dennis Viaje, Efren Fria ay sinibak  makaraang dumulog sa tanggapan ng MTPB ang motorista na kanyang tiniketan na kinilalang si Miguel Vistan.

 

 

Sinabi ni MTPB Chief of Operation Wilson Chan Sr., na  binawi na ang uniporme at ID ni Fria at tuluyan na itong sinibak sa kanyang tungkulin makaraang ireklamo ito ng “mis-apprehension”.

 

 

“Ilang beses na po narereklamo itong si Fria, eto nga lang po Marso inireklamo rin siya dahil sa mis-apprehension,” paliwanag ni Chan.

 

 

Matatandaan na kamakailan lang ay nag-viral sa social media ang paghuli at paniniket ni Fria sa motoristang si Vistan kahit wala itong violation.

 

 

Binabagtas ni Vistan ang Quintos St., Sampaloc sa Maynila nang lagpasan nito ang nakakulay green na traffic light ngunit laking gulat nito nang bigla siyang harangan ng nasabing traffic enforcer at iginiit na may nilabag ito na violation na “passing thru red light”.

 

 

Dahil sa naidokumento ni Vistan ang pangyayari gamit ang kanyang dash cam, ipinakita niya ito sa tanggapan ng MTPB kung saan agad namang inaksyunan ito ni Director Viaje at Chan na nagresulta sa pagkakasibak ni Fria.

 

 

Nasa  mahigit 100 “tolongges” na traffic enforcer na ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang sinibak sa ilalim ng pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang bahagi na din ng paglilinis sa hanay ng nasabing ahensiya ng lokal na pamahalaang lungsod. (GENE ADSUARA)

Other News
  • VM SERVO, SUPORTADO PROYEKTO AT PROGRAMA NI LACUNA

    NANGAKO si Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto na susuportahan niya ang lahat ng mga pangunahing programa ni Mayor Honey Lacuna-Pangan. Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang pagpapalago ng ekonomiya, pagpapaunlad ng buhay, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan.     Upang mas maisakatuparan ang mga programa at proyekto ng lungsod, hiniling ng […]

  • Warriors naghahanda sa kanilang victory parade

    NAGHAHANDA na ang mga fans ng Golden State Warriors sa gagawin nilang victory parade matapos makuha ang kampeonato sa NBA ng talunin nila ang Boston Celtics.     Magiging maiksi lamang ang parada na aabot sa mahigit isang kilometro pero magiging magarbo ang isasagawang programa matapos na makuha ang ikaapat na kampeonato sa kasaysayan ng […]

  • COA, isiniwalat ang mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya

    ISINIWALAT  ng COA na mayroong mahigit P37.1 milyong halaga ng mga relief goods na nanatiling hindi naipamahagi at naaksaya.     Sa 2022 audit nito sa Disaster Risk Reduction Management (DRRM), sinabi ng COA na ang pag-iimbak at napapanahong pamamahagi ay naging pangunahing alalahanin sa nakalipas na dalawa hanggang walong taon.     Sa pagbanggit […]