• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 200-K pasahero, naitala sa mga pantalan sa PH sa bisperas ng Bagong Taon

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng kabuuang 264,572 pasahero sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa sa Bisperas ng Bagong taon.
Sa consolidated report ng PCG, nasa 133,760 ang naitalang outbound passengers habang nasa 130,812 ang inbound passengers.
Nagsagawa naman ng inspeksiyon ang nasa 2,964 frontline personnel mula sa 16 PCG districts sa 1,447 vessel at mahigit 2,000 motorbancas.
Samantala, nananatili namang naka-heightened alert ang PCG districts, stations at sub-stations hanggang sa araw ng Biyernes, Enero 3 para mapangasiwaan ang muling pagbuhos ng mga pasahero sa mga pantalan na magsisibalikan sa kanilang mga trabaho matapos ang holiday season.
Para naman sa anumang concern at clarifications sa biyahe sa dagat, mangyari lamang makipag-uganyan sa pamamagitan ng PCG official Facebook page o Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729). (Daris Jose)
Other News
  • ANGELICA, inamin na hindi kumportable sa malulusog na boobs

    HINDI raw kumportable si Angelica Panganiban sa kanyang boobs at inamin nga niya ito.   Wish niya na sana’y mas maliit na lang daw ito.   Isa si Angelica sa ating mga well-endowed actresses at as- set niya nga ito, actually. Little did we know na hindi pala siya proud dito.   “Eversince bata ako, […]

  • Tanong ng netizens, bakit pati sina Liza at Julia? : KATHRYN, in-unfollow na si DANIEL kaya malabo nang magkabalikan

    NAGING usap-usapan ng netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla sa Instagram.     Tila nagbigay na ng hudyat si Kath na imposible na silang magkabalikan pa ni DJ, na balitang muling nanunuyo sa babaing minahal nang lubusan.     Napanood nga sa video sa kasal nina Robi Domingo […]

  • PBBM, patuloy na ihihirit sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng pardon si Mary Jane Veloso

    PATULOY na ihihirit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gobyerno ng Indonesia na bigyan ng commutation o pardon  ang pinay na si Mary Jane Veloso na nasa death row ng nasabing bansa  dahil sa kasong droga.     “We haven’t really stopped. The impasse is we continue to ask for a commutation or even a […]