Mahigit 3K na indibidwal nakabenepisyo sa 2-day free theoretical driving course ng LTO
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
SA ISINAGAWANG 2-day free theoretical driving course ng Land Transportation Office, lagpas 3,000 katao ang nakiisa.
Dahil sa kamahalan ng driving course na isang requirement para makakuha ng driver’s license ay sinamantala na ito ng mga tao.
Umaabot raw ng halos 1,200 pesos ang gagastosin sa kurso kaya naman para sa ilang walang trabaho ay talaga namang mabigat na ito.
Kung mapapansin, laganap ngayon ang mga nagtatrabaho na kinakailangan ang lisensya tulad na lamang ng mga delivery rider.
Para sa mga dumalo sa nasabing free driving course malaking bagay na ang makapag tipid ng mahigit 1,000 pesos.
Itong free theoretical driving course ay magbibigay daan upang maibsan ang kanilang gastosin at upang mas magkaroon ng kaalaman sa pagmamaneho ng ligtas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Siya na raw ang ‘Donnalyn Bartoleme’ part 2: KRIS, nakisawsaw at ipinagtanggol pa ang maling ginawa ni ALEX
MARAMI ang pumuri kay Ria Atayde sa pagiging bagong Calendar Girl niya ng White Castle Whisky. Binali kasi ni Ria ang nakasanayang image o molde ng isang White Castle Whisky Calendar Girl na kailangan payat na payat para masabing sexy. Ang iprinisinta rin daw na advocacy ng brand ang dahilan kung […]
-
Buhay pa rin ang alaala after twenty years: CLAUDINE, naging emosyonal sa mensahe ng ina ng yumaong aktor na si RICO
MULING nakasama ni Claudine Barretto si Mrs. Teresita Castro-Yan, ang ina ng yumaong aktor at former boyfriend ng aktres na si Rico Yan. Naganap ito noong March 28, 2022 sa Manila Memorial Park, Parañaque City upang gunitain ang ika-dalawampung anibersaryo ng kamatayan ni Rico, na sumakabilang-buhay noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort, Puerto Princesa, Palawan. Nakasama nina Mrs. Yan at Claudine ang mga […]
-
DICT: Deadline ng SIM registration, Abril 26 pa rin
KINUMPIRMA kahapon ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na nananatili pa ring Abril 26 ang deadline para sa mandatory registration ng mga SIM cards sa bansa. “We like to as much as possible stick to what the law allows us to do and let’s see how the […]