• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 46-K katao dumalo sa kapiyestahan ng Black Nazarene

AABOT sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi, Jan 9.

 

 

Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.

 

 

Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang nasabing misa kasama ang ilang pari ng Quiapo Church.

 

 

Sa kanyang homily sinabi ni Advincula na dapat ipagpatuloy ang buhay na ang nasa puso ay si Kristo.

 

 

Mahalaga ang pagkakaisa para mapagtagumpayan ang anumang pagsubok.

 

 

Samantala ayon sa PNP ay naging mapayapa naman ang kauna-unahang ‘Walk of Faith’ ng Itim na Nazareno.

 

 

Mapayapa sa kabuuan ang kauna-unahang “Walk of Faith” sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno na nagsimula kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Ayon kay Manila Police District (MPD) PBGen. Andre Dizon batay sa kanilang naging initial assessment simula kaninang madaling araw hanggang ngayong hapon, mapayapa at walang naiulat na mga untoward incident.

 

 

Nasa heightened alert status ngayon ang PNP para matiyak na maayos at mapayapa ang mga aktibidad sa Pista ng Itim na Nazareno.

 

 

Sa kabilang dako, umaabot na sa halos 150,000 deboto ang nagtungo sa Quiapo Church at Quirino Grandstand.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Quiapo Command Post sa nasabing bilang nasa 110,927 ang kabuuang deboto na nagtungo sa simbahan ng Quiapo habang nasa 46,000 naman sa Quirino Grandstand. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang pigilan ang paglobo ng teenage pregnancies, pinuri ng Popcom

    PINURI ng Commission on Population and Development (PopCom) ang sponsorship speech ni Senator Risa Hontiveros sa pagpigil sa pagbubuntis ng mga kabataan.     Ayon sa komisyon, lubos nilang sinusuportahan ang panawagan ng mga mambabatas na ipatupad ang mga iminungkahing hakbang ukol sa teenage pregnancies.     Ito’y tinawag ni Hontiveros bilang isang progresibong hakbang […]

  • Matutupad na ang wish ng fans niya: MARIAN, tuloy na tuloy na sa naudlot na project nila ni GABBY

    FINALLY, ay matutupad na rin ang wish ng mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mapanood na siya sa isang teleserye.       Matatandaan na noong bago niya ipagbuntis ang bunso nila ni Dingdong Dantes na si Sixto, dapat ay gagawin nila ni Gabby Concepcion ang “First Yaya,” pero hindi natuloy dahil nang […]

  • PNP ‘all-set’ na sa pagsisimula ng local campaign period sa March 25

    TODONG PAGHAHANDA ang ginagawa ngayon ng Philippine National Police (PNP) para sa pag-uumpisa ng campaign period para sa local election.     Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, naglalatag na sila ng seguridad para mapanatili ang kaayusan sa kabuoang election period.     ” Patuloy ang ginagawang paghahanda lalong lalo na itong darating […]