MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 .
Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante.
Sa isang forum na inorganisa ng Catholic Educational Association of the Philippines, inihayag ni Guanzon na mayroon na ngayong “higit sa 60 milyong” rehistradong botante, na may malagpasan pa ang 61-milyong marka noong Mayo 9, 2022 election
Nauna nang nanawagan ang ilang mambabatas at civic groups na palawigin pa ng Comelec ang voter registration hanggang Oktubre 31 sa gitna na rin ng pandemic.
Hindi pa tumutugon sa mga panawagan ang Comelec , ngunit kinilala ni Guanzon na naging mahirap para sa mga tao na magtungo sa mga tanggapan ng distrito ng Comelec dahil sa mga COVID-19 restrictions.
“With the pandemic and the ECQ in NCR and Iloilo, it is getting harder for our people –– especially the older people and those with disabilities –– to go out and register… We have provided for Saturday registration, specifically for students or those who are working, and we hope you young people can take advantage of this with the support of your colleges,” wika ni Guanzon sa mga mag-aaral at school administrators.
Sinabi ni Guanzon nitong Lunes na mayroong 6.3 milyong mga botanteng na-disenfranchised, o ang mga hindi nakaboto sa huling dalawang sunud-sunod na halalan, na nanganganib mawala sa kanilang pagkakataong bumoto maliban kung muli nilang buhayon o reactivate ang kanikang estado sa Comelec.
Binanggit din ni Guanzon na ang online reactivations gamit ang video calls para iberipika ang pagkakilanlan ng botante ay bukas na rin sa lalong madaling panahon kung saan uunahin ang mga nakatatanda at may kapansanan.
“We assure the public that the Commission is quite capable of doing this job of administering elections during a pandemic,” dagdag pa ni Guanzon
Inanunsyo rin ng Comelec na magsisimula nang tumanggap ng aplikasyon mula sa political parties, civic groups at IT experts upang lumahok sa pagsusuri ng source code na magagamit para sa automated election system sa susunod na taon. GENE ADSUARA
-
PCO, hinikayat ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente
SINABI ng Presidential Communications Office (PCO) na dapat na pag-ibayuhin ang maayos at matipid na paggamit ng kuryente sa harap ng napipintong pagsapit ng panahon ng tag-init. Sinabi ng PCO, hindi lamang sa mga kabahayan dapat sanang ugaliing gawin ang pagtitipid ng kuryente ngayong nararamdaman na ang tag-init kundi maging sa mga workplace. […]
-
Walk-in vaccination inilunsad sa Navotas
Inaprubahan ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang walk-in vaccination para mapabilis ang pagbibigay ng Coronavirus Disease vaccine. Inanunsyo ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na ang mga residente na may edad na 18 hanggang 59 na may comorbidities ay maaari sa walk in vaccination sa Kaunlaran High School. “We did a […]
-
Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery
NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao. Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor. “My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her […]