• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 700 OFWs sa SoKor na labis na naapektuhan ng Covid- 19 pandemic,nakatanggap ng ayuda mula sa AKAP program ng DoLE

TINATAYANG aabot sa 703 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea (SoKor) na labis na naapektuhan ng covid19 pandemic ang napagkalooban na ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng AKAP Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni South Korea Charge D’Affaires Christian De Jesus, na pawang mga documented at undocumented OFWs ang nabigyan ng nasabing ayuda kung saan nakatanggap ang bawat isa ng tig-200 US dOllar.

Aniya, nagpapasalamat naman sa pamahalaan ang mga mga kababayang filipino sa SoKor na nabiyayaan ng tulong pinansyal ngayong panahon ng pandemya.

Nauna nang inihayag ni De Jesus na nasa 78 OFWs ang tinamaan ng covid19 sa SoKor kung saan 34 dito ang naKalabas na ng pagamutan habang 44 naman ang patuloy na ginagamot sa ospital. (Daris Jose)

Other News
  • ERC, may refund order para sa bill ng ilang Meralco consumers

    Naglabas na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng refund order para ibalik ng Meralco ang sobrang nasingil sa kanilang consumers para sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).   Kasunod ito ng pagdami ng mga reklamo laban sa napakataas na bayarin ng mga residente ng Metro Manila at mga karatig na lugar.   Ayon kay […]

  • Pinas, nangako na palalakasin ang pagbabakuna sa mga lalawigan laban sa COVID-19 surge

    LALABANAN ng gobyerno ang posibleng surge sa COVID-19 cases sa labas ng Kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pagpapalakas ng COVID-19 vaccination at pagbibigay ng  access sa  anti-COVID-19 medicines.     Ang pahayag na Ito ni Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary  Karlo Nograles ay tugon sa tanong kung handa ba ang bansa sakali’t magkaroon ng […]

  • Godzilla vs. Kong Sequel Filming Later This Year In Australia

    A new report reveals that the sequel to Godzilla vs. Kong will start filming later this year in Australia. Acting as the fourth installment in Legendary Entertainment’s Monsterverse, Godzilla vs. Kong sees the two titular titans face off in a battle of epic proportions.  The film follows the events of Godzilla, Kong: Skull Island, and […]