Mahigit P1.1-B halaga ng ayuda naipamahagi na
- Published on April 14, 2021
- by @peoplesbalita
Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos 1 milyong low-income na mga Pilipino na naapektuhan nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang ayuda.
Aabot umano ng mahigit isang bilyong piso ang naipamigay ng nasabing ahensya.
Batay sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG), mahigit P1.1-billion supplemental aid para sa ECQ areas ang ipinamahagi simula noong Abril 7 hanggang 9 payouts.
Bilang parte naman ng technical assistance nito sa mga local government units (LGUs), sinabi ng DSWD na nagpapatuloy ang pag-monitor nito sa mga payouts na nagsimula noong Abril 7.
Dagdag pa ng ahensya na nananatili itong nakikipag-ugnayan sa mga concerned LGUs para tiyakin na matatanggap ng 22.9 million low-income individuals na apektado ng ECQ ang kanilang ayuda.
Ilang miyembro ng Eexecutive and Management Committees ng ahensya, na pinangugunahan ni DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista, ang personal na nag-monitor sa mga payouts noong nakaraang linggo.
Kasama ni Bautista ang ilang miyembro ng Joint Monitoring and Inspection Committee na nagtungo sa Parañaque noong Abril 7 para makita ang pamamahagi ng ayuda.
-
Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee
NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign. “Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for […]
-
CLINICAL TRIAL SA AVIGAN, HINDI PA NASISIMULAN
HINDI pa nasisimulan ang clinical trial ng nati flu drug na Avigan na itinuturing na maaring lunas sa mga pasyente na tinamaan ng COVID-19. Ito ang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing. Una nang inihayag ng DOH na dapat sanang simulan ang clinical trial ng Avigan noong Agosto 17 ngunit […]
-
Kawatan timbog sa entrapment sa Malabon
Nasakote sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na kawatan nang tangkain ipatubos ang ninakaw na mobile phone at relos sa dalawang biktimang kanyang ninakawan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Hindi na nakapalag si Ronald Lamigas, walang hanapbuhay at residente ng Block 37 Lot 17, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, […]