• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P310-M, naibigay na sa mga operator ng EDSA Carousel

PAPALO  na raw sa mahigit P310 million ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pondo bilang bayad sa bus operators ng EDSA Carousel matapos ma-delay ng dalawang linggo.

 

 

Tiniyak naman ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na sapat ang kanilang pondo para sa sahod ng mga bus operators sa ilalim ng free ridership program ng pamahalaan.

 

 

Iginiit naman ni Garafil na ipa-fast track at tutugunan nila ang payment issues kaugnay ng EDSA Bus Carousel hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

 

 

Una rito, inanunsiyo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palawigin pa ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel hanggang December ngayong taon.

 

 

Sa ilalim ng service contracting program, ang mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers na makikilahok sa free ridership program ng pamahalaan ay makakatanggap ng one-time payout at weekly payments base sa kilometerong nabiyahe ng mga ito kada linggo mayroon o wala silang pasahero.

Other News
  • Kahit na may iniindang sakit, hindi nagpapigil… KRIS, dumalo sa rally kasama sina JOSH at BIMBY para suportahan si VP LENI

    MAHUSAY si Carmina Villarroel sa kanyang role bilang Barbara sa bagong GMA series na Widow’s Web.     At bongga palagi ang outfit ni Carmina dahil isang super rich na madam ang kanyang role sa serye na dinidirek ni Jerry Lopez Sineneng.     Daring din si Carmina as Barbara dahil mayroon siyang male lover. At may […]

  • Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

    Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya […]

  • Actress-beauty queen, inaming nakaramdam ng galit: TOM, nagpaliwag at nag-apologize kay KELLEY sa pagkakadawit sa issue

    INAMIN ng Kapuso actress-beauty queen na si Kelley Day na nakaramdam siya ng galit nang idawit ang pangalan niya sa hiwalayan issue ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana.   Nagsalita si Miss Eco International 2020 first runner-up sa online show nila Boobay at Pepita Curtis na ‘Kalurks’ sa YouLOL channel.   Sa tanong ni […]