• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit P565-M halaga ng food packs, inihanda ng DSWD para sa epekto ng Typhoon Mawar

NAGLAAN ang DSWD ng mahigit P565 milyong halaga ng food packs sa mga rehiyonal na tanggapan nito, habang naghahanda ito sa pananalasa ng Bagyong Mawar.

 

 

Sinabi ng ahensya na nakapaghanda ito ng kabuuang 797,051 family food packs sa mga regional office nito.

 

 

Bukod dito, mayroong 110,667 family food packs sa disaster response centers nito, higit 101,000 ay nasa National Resource Operations Center sa Pasay City at mahigit 9,000 naman ang nasa Visayas Disaster Resource Center.

 

 

Kaugnay niyan, inutusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga regional director na makipag-ugnayan sa kanilang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils, at pinayuhan din ang mga lokal na pamahalaan na maghanda para sa epekto ng nasabing bagyo.

 

 

Kung matatandaan, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang forecast ay nagpakita na ang bagyo ay maaaring makaapekto sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at sa Batanes area, kung kaya’t marami sa kanilang mga food packs ang naipon para sa nabanggit na mga lugar.

 

 

Dagdag dito, bahagyang humina ang tropical cyclone na Mawar sa isang bagyo mula sa isang super typhoon noong ngunit maaaring muling lumakas kapag nakapasok na ito sa lugar ng Pilipinas.

Other News
  • Trip sa Europe ng Congressman, siya mismo ang gagastos: SYLVIA, pinagbigyan ang dasal na magandang panahon sa kasal nina ARJO at MAINE

    SA FB at IG post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, ibinahagi niya ang maikling video na kung saan makikita ang bonggang chapel na pinagkasalan nina Congressman Arjo Atayde at Maine Mendoza.   Naging maaliwalas nga ang panahon nang maganap ang pag-iisang dibdib noong Biyernes, July 28, sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel na […]

  • Updated list ng considered red, yellow, green countries inaprubahan ng IATF

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) at nagbigay ng updated list ng “considered’ “Red,” “Yellow” at “Green” countries/jurisdictions/territories.   Ang bagong classification ay magiging epektibo sa Setyembre 19, 2021 hanggang Setyembre 30, 2021.   Ang mga bansang kabilang sa Red List ay Grenada, Papua New Guinea, Serbia at Slovenia.   Samantalang ang mga bansang kabilang […]

  • Tiyak na nagdiwang ang kanilang mga fans: JULIE ANNE, nag-‘i love you too’ na kay RAYVER sa kanilang concert

    TIYAK na nagdiwang ang mga fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Hunk Rayver Cruz sa kaganapan sa concert nilang “JulieVerse” last Saturday, November 26, 2022 sa Newport Performing Arts Theater.     Post ng Sparkle GMA Artist Center ang pagsagot ni Julie Anne ng “I love you, too” kay Rayver: […]