Mahigit P63-M halaga ng smuggled frozen foods mula Hong kong at China, nasabat ng Bureau of Customs
- Published on December 7, 2022
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang mahigit P63 million halaga ng smuggled frozen foods na dumating sa Manila International Container Port (MICP) mula sa Hong kong at China.
Ayon kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz, nag-ugat ang naturang operasyon sa natanggap na intelligence reports ng Customs Intelligence and Investigation Service-MICP kaugnay sa pagdating ng dalawang container vans mula sa Hongkong at dalawang container van mula naman sa China na naglalaman ng mga frozen meat products subalit idineklarang ng consignees na libu-libong kilo ng frozen prawn balls
Ang mga container vans mula sa Hong kong ay dumating sa bansa noong Nobiyembre 17 habang ang nagmula naman sa China ay dumating noong Nobiyembre 18.
Aniya, ang bawat apat na container ay may humigit kumulang P15,750,000 halaga ng suspected misdeclared frozen goods.
Nadiskubre sa inspection ng BOC mula sa container vans mula Hong Kong ang mga frozen tofu, chicken paws, at boneless beef, Vietnamese suckling pig, at beancurd skin.
Sa container vans mula Chin naman ay nadiskubre dina ng frozen fish tofu at frozen beef cheek meat.
Agad namang nag-isyu ng Alert orders si BOC Deputy Commissioner Juvymax Uy laban sa Victory JM Enterprise OPC na importer ng dalawang containers ng frozen prwn balls mula Hongkong gayundin sa importer mula China.
Saad pa ng opisyal ang kanilang walang patid na kampaniya kontra sa mga smuggled na agricultural products ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo at pagprotekta sa ating lokal na merkado gayundin sa presyo ng mga produkto.
Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa Sec. 1400 o misdeclaration in goods declaration) may kaugnayan sa Sec. 1113 (property subject to seizure and forfeiture) laban sa mga nasa likod ng smuggling. (Daris Jose)
-
3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan at Valenzuela
TATLONG katao na pawang wanted sa kaso ng panggagahasa ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-2:25 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major […]
-
Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa
PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa. Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]
-
Masayang-masaya na isa na siyang Kapuso: STELL, aminadong nagulat na napiling judge sa ‘The Voice Generations’
MASAYANG-MASAYA si Stell ng SB19 na isa na siyang Kapuso! Isa si Stell sa mga judges ng ‘The Voice Generations’ hosted by Dingdong Dantes; ang iba pang judge ay sina Billy Crawford, Chito Miranda at Julie Anne San Jose. “Yung grupo namin turning five years pa lang po kami, pero yung […]