Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis.
Ang nasabing lugar ay bahagi ng Upper Marikina Watershed.
Dagdag dito, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 million liters per day (MLD) ng treated water sa 919,784 na populasyon sa Antipolo City at mga kalapit na bayan.
Sa kasalukuyan, habang naghahanda para simulan ang buong operasyon, ang pasilidad ay nakakapagsupply na ng tubig sa ilang lugar ng lungsod kabilang ang Antipolo Government Center.
Ang proyekto ng Calawis Water Supply System ay binubuo ng 80 million liters per day water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoir, at 21 kilometers ng primary transmission line.
-
433 bettors, napanalunan ang nasa mahigit P236-M na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55
PAGHAHATIAN ngayon ng nasa mahigit 400 mga mananaya ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55. Ito ay matapos na makuha ng 433 bettors ang winning combination na 09-45-36-27-18-54 na may jackpot prize na nagkakahalaga sa tumataginting na Php 236,091,188.40 nitong Sabado, October 1, 2022. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), […]
-
3 security guard 3 pa, arestado sa shabu sa Caloocan
Kulong ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang tatlong security guard matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-2 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng […]
-
TOP TEN CITIES SA NCR KINILALA NG ISANG NGO
BINIGYANG pagkilala ng isang non governmental organization ang top ten cities sa National Capital Region pagdating sa usapin ng masinop na pananalapi. Ayon kay Jose Esgaña, tagapangulo ng grupong CPAS-LEADGROUP Inc., napili ang sampung nangungunang lungsod batay sa pagsusuri na nakabase naman sa mga datos na nakalathala sa website ng Commission on Audit. Nangunguna ang […]