Mahigit P8-B na proyekto ng Manila Water, inaasahang matatapos sa Hunyo
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng East Zone concessionaire na Manila Water na ang pagtatayo ng P8.2-billion nitong Calawis Water Supply System project sa Antipolo City, Rizal ay nakatakdang matapos sa buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sinabi ng Manila Water na ang tubig para sa bagong pasilidad ay nagmumula sa Tayabasan River, na matatagpuan sa Brgy. Calawis.
Ang nasabing lugar ay bahagi ng Upper Marikina Watershed.
Dagdag dito, ang Calawis Water Supply System project ay inaasahang magbibigay ng karagdagang 80 million liters per day (MLD) ng treated water sa 919,784 na populasyon sa Antipolo City at mga kalapit na bayan.
Sa kasalukuyan, habang naghahanda para simulan ang buong operasyon, ang pasilidad ay nakakapagsupply na ng tubig sa ilang lugar ng lungsod kabilang ang Antipolo Government Center.
Ang proyekto ng Calawis Water Supply System ay binubuo ng 80 million liters per day water treatment plants (WTP), pumping stations, reservoir, at 21 kilometers ng primary transmission line.
-
Blinken nagpaabot ng pakikiramay sa 2 napatay na journalist ng Fox News
NAGPAABOT ng pakikiramay si US Secretary of State Antony Blinken sa pagkasawi ng dalawang journalist ng FOX News. Napatay ang 55-anyos Irish national na si Pierre Zakrzewski at 24-anyos Ukrainian na si Oleksandra Kuvshinova ng paulanan ng mga Russian forces ang sasakyan nila sa labas ng Kyiv. Sinabi ni Blinken na […]
-
CHR nanawagan sa mga otoridad na agad na tutukan ang mga election-related violence
HINIKAYAT ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga otoridad na tutukan ang mga naganap na election-related violence noong kasagsagan ng halalan nitong Mayo 9. Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na karamihang sa 16 election related incidents ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Dahil aniya […]
-
Traumatic experience para sa buong team: HERLENE, minabuting mag-back out na lang sa ‘Miss Planet International’ sa Uganda
LUMABAS last week ang bali-balitang hindi na nga matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda dahil sa maraming problema. Nag-post din sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang […]