‘Mahigpit na implementasyon ng protokol sa kalusugan, sundin’- Gob Fernando
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Muling binigyang diin ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng protokol sa kalusugan at COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions sa kanyang mensahe sa opisyal niyang Facebook page kamakailan.
“Ipatutupad po natin ng may lalong paghihigpit ang protokol at pamantayan sa kalusugan upang maiwasan ang muling pagkalat ng COVID-19, nais nating matiyak na hindi mawawalang saysay ang mga pinagtiisan at ipinaglaban natin noong ECQ,” ani Fernando.
Inulit din ng punong lalawigan na disiplina sa sarili ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19.
“May karampatang parusa at multa ang lalabag sa health at IATF protocols dahil ang pinakamabisang panlaban ay disiplina ng bawat isa, ang pagsasagawa ng minimum health standards, kaya ugaliin po natin ang patuloy na pag-iingat at huwag po natin itong balewalain, huwag tayong masanay sa mali,” anang gobernador.
Aniya, bagaman umani ng mga papuri ang Bulacan mula sa nasyunal na pamahalaan dahil sa pagkakamit ng pinakamababang infection rate at pinakamataas na recovery rate na 96 porsyento at walang namatay sa nakalipas na mga buwan sa mga lalawigang nakapalibot sa National Capital Region, patuloy pa rin ang laban ng lalawigan kontra COVID-19.
Sinabi din niya na ayon sa mga tala, tumaas ang pagkalat ng COVID-19 nitong nakalipas na panahon ng Kapaskuhan kung kaya nananawagan siya sa lahat na gawin ang kanilang bahagi.
“Ang bawat isa ay maaaring mag-ambag sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa minimum health standards para patuloy na makabalik ang mga tao sa kanilang pagtatrabaho, maiiwasan ang pag-akyat ng kaso at ‘di mawala ang pangamba sa pagsasara ng mga negosyo at kawalan ng trabaho, at mas magiging mabilis ang pagbubukas ng ekonomiya,” bahagi ni Fernando.
Ayon sa pinakahuling surveillance update nitong Enero 20, 2021 4PM na sa 11,201 COVID-19 na mga kaso sa Bulacan, 10,090 (90%) ang gumaling, 703 (6%) ang aktibong kaso 408 (4%) ang namatay. Sa kasalukuyan, 52 na mga bagong resulta ang nadagdag sa kabuuang bilang ng mga naitalang beripikadong kaso ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN
PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 […]
-
Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez
Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG). Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer […]
-
Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections
TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga. Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo […]