Mahigpit na protocols ipinatutupad ng PSC sa training bubble
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-obserba ng mga national athletes sa mahigpit na health and safety protocols sa kanilang training bubble.
Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, bago pumasok ang mga miyembro ng national team sa isang bubble ay kailangan muna nilang dumaan sa RT-PCR test bukod pa sa antigen test.
“Ang pagpasok ng isang (national) team sa bubble kailangan dumaan muna sila sa RT-PCR test,” wika ni Fernandez. “Hindi sila makakapasok doon kung wala silang RT-PCR.”
Pinaghahandaan ng mga atleta ang 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Hanoi, Vietnam sa Mayo ng 2022 pati na ang Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Nasa PSC facilities na sa Teacher’s Camp sa Baguio City ang mga national karatekas at hinihintay naman ang pagpasok ng mga national boxers.
Ang iba pang national teams na nasa loob na ng bubble training ay ang kickboxing (La Trinidad, Benguet), muay thai (Baguio City), archery (Dumaguete City), fencing (Ormoc City), canoe/kayak (Tacloban) at weightlifting (Cebu at Zamboanga).
Nakikipag-usap naman ang athletes association sa Department of Education (DepEd) sa Baguio City para makapagsanay sa kanilang pasilidad.
-
Romualdez: Pagbaba ng inflation dapat pagtulungan
HINDI lang dapat ang Pangulong Marcos at iba pang sangay ng pamahalaan ang kumilos para bumaba ang inflation ng bansa o pagmura ng mga bilihin kundi pati ang pribadong sektor. Ito ang pananaw ni House Speaker Martin Romualdez matapos bumaba sa 1.9 percent ang inflation ng bansa noong Setyembre. “Effort ni PBBM ‘yan […]
-
Looking forward na ma-meet ang GMA Primetime Queen: ZEINAB, wini-wish na maka-collab sina DINGDONG at MARIAN
SA patuloy na selebrasyon ng ika-13 na anibersaryo ng Beautéderm Corporation, pormal nang sinasalubong ang social media star at influencer na si Zeinab Harake bilang brand ambassador ng oral care products nito gaya ng Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray. With over 50 million followers […]
-
SC ibinasura ang DQ vs Marcos sa botong 13-0
IBINASURA ng Supreme Court ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa kandidatura ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hudyat ng malayang oath-taking niya bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Sa botong 13-0, ibinasura ng SC en banc ang petisyon kontra sa kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na ibasura ang petisyon sa Certificate of Candidacy […]