• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigpit na seguridad ipapatupad ng PNP sa filing ng COC

Asahan ang mahigpit na seguridad sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) simula unang araw Oktubre 1 hanggang Oktubre 8.

 

 

Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, mas maraming pulis at augmentation units kabilang na ang intelligence personnel ang naka-deploy upang mapigilan ang anumang banta.

 

 

Ilan sa critical scenarios na pinaghandaan ng pulisya sa kanilang simulation exercises (SIMEX) kahapon ay ang shooting incident, assassination attacks, bomb threat, fire incident, pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga pulitiko, ambush, sunog at iba pa.

 

 

Maliban sa mga pulis, nakabantay din ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Commission on Elections (Comelec) concerned local government units, at disaster personnel.

 

 

Una nang pinatutukan sa mga pulis ang mga lugar na may matinding political rivalry at election-related violent incidents.

 

 

Pinaghahanda na rin ni Eleazar ang Special Action Force (SAF) para sa posibleng deployment sa mga lugar na tinaguriang elections areas of concern.

 

 

Siniguro ni PNP chief na paiigtingin nila ang kanilang efforts para lahat ng mga banta ay kanilang namonitor at mapigilan.

 

 

Gagamitin na rin ng PNP ang kanilang mga body worn cameras para magkaroon ng real time monitoring mula sa PNP Command Center sa Camp Crame at sa ibat ibang regional police offices sa buong bansa.

 

 

Nakalatag na rin ang seguridad sa may bahagi ng Sofitel hotel kung saan gagawin ang walong araw na filing of certificate of candidacy.

Other News
  • Japanese National, inaresto sa pagnanakaw

    NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na wanted ng mga awtoridad sa  Tokyo sa kasong theft at robbery.     Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Nagaura Hiroki, 26 na inaresto sa Estrella Avenue sa  Bgy. Poblacion, Makati City ng mga operatiba ng BI fugitive search […]

  • Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder

    Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates.     Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng […]

  • P764-M halaga ng mga bagong kagamitan, ibinida ng PNP

    PINANGUNAHAN ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang blessing ceremony para sa mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP).       Asahan na rin na mas mapapalakas pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang capabilities dahil sa mga bago nilang kagamitan.     Tinatayang nasa P764 Million ang halaga ng mga […]