Mahihirap na seniors, P1K na social pension sa DSWD simula Pebrero
- Published on January 24, 2024
- by @peoplesbalita
SIMULA sa Pebrero ngayong taon ay makakatanggap na ng P1,000 monthly stipend ang mga mahihirap na senior citizen na benepisyaryo ng Social Pension ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, ang pondo ay nakalakip sa DSWD 2024 budget base na rin sa Republic Act 11916 o ang Act Increasing the Social Pension of Indigent Senior Citizens.
Sa ilalim ng RA 11916, ang pagbibigay ng 100% increase sa buwanang pension ng mga indigent senior citizens mula P500 hanggang P1,000 ay upang matulungan ang elderly na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Nilinaw ni Lopez na maituturing na eligible sa programa ang isang senior citizen kung ito ay hindi tumatanggap ng monthly pension mula sa Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), Armed Forces at Police Mutual Benefit Association, Inc. (AFPMBAI), o sa kahit na anong private insurance company.
May kabuuang 4,085,066 indigent senior citizens ang sakop ng social pension program para sa taong 2024.
-
Pangulong Marcos, VP Sara bumaba trust, approval ratings
PAREHONG bumaba ang approval at trust ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte. Sa pinakabagong Pulse Asia Survey, bumagsak ng 9% ang approval ni Duterte na 60% na lang noong Setyembre kumpara sa 69% noong Hunyo. Habang sa trust rating ay 10% ang ibinaba ni Duterte mula sa 71% […]
-
Wala siyang nakita at ‘di gagawın ‘yun ng anak: LOTLOT, natawa lang sa tsika na nakitang naghahalikan sina JANINE at JERICHO
NATAWA na lang si Lotlot de Leon nang tanungin namin tungkol sa pinag-uusapan ngayon sa social media na mga “sightings” kina Janine Gutierrez at Jericho Rosales.“Hahaha! Alam mo, nakakatuwa, kasi si Echo kasi magkasama kami nung launch ng kanta ni Diego (Gutierrez) na ‘Hanggang Sa Dulo’, in a bar in Katipunan,” panimula ni Lotlot. […]
-
Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas
TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia. Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th […]