Mahihirapan ‘pag nawala si Rayver: JULIE ANNE, wish maka-duet at makasama sa concert si SARAH
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
MABILIS ang sagot ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose nang tanungin siya ni Boy Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday, May 24, kung she can live without her boyfriend Rayver Cruz?
“I think it would be hard because I’ve known Ray{ver}. I don’t see him just as a partner but also my best friend. So, he is someone I can count on when I have problems, but he is really my best friend.
“Everything I can say to him… It’s hard to live without someone who is really very special to you, that you hold on to for everything.”
Sa naturang interview ni Boy kay Julie, natanong din niya ito kung sino among the singers ang gusto niyang maka-collaborate.
“Si Sarah (Geronimo) ang wish kong maka-collaborate or maka-duet or makasama sa concert.”
Baka madaling matupad ang wish ni Julie, since nasa GMA Network na ang husband ni Sarah, si Matteo Guidicelli.
Meanwhile, this Sunday na ang grand finals ng “The Clash 5” hosted by Julie Anne and Rayver, 7:45 p.m., sa GMA-7.
***
MASAYANG ibinalita ng award-winning actor na si Tirso Cruz III ang kasiyahan niyang after almost 22 years, muli silang magkakasama sa isang project ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Una silang nagkasama sa isang teleserye noong 2002, ang “Sana Ay Ikaw Na Nga.” Nasundan ito ng “Endless Love” in 2010, kasama nila si Marian Rivera.
Puring-puri ni Pip is Dingdong: “he is a kindhearted man, very professional and I can see he really loves his job. He’s not here just for the glory, for fame, no. He has his heart into the art itself, the craft of acting.
“Nandito siya for as long as he can deliver and give beautiful stories and characters to our viewers, he will try to give his 100 percent best.”
Nagsimula nang mag-taping sina Tirso at Dingdong ng mystery-action series na “Royal Blood” pero nauna silang nakitang magkasama sa “Family Feud” game show nang mag-guest sina Pip at ang Cruz family last Tuesday, May 23.
Meanwhile, magkakaroon ng season break ang “Family Feud” sa mid-June at muling babalik sa September, 2023. Sabay kasing magti-taping si Dingdong ng “Royal Blood” at ‘The Voice Generations’ na siya ang magho-host.
****
NAG-LAST taping day na ang buong cast ng high-rating GMA first figure-skating primetime series na “Hearts On Ice,” na tampok sina Ashley Ortega at Xian Lim.
Nagbigay ng heartfelt message si Xian para sa mga co-stars niya at sa mga loyal viewers. Inamin niyang hindi naging madali ang role niya, pero thankful siya na nagawa niya ang proyektong ito, na ilang buwan siyang nag-training ng figure skating at ice hocky.
“I’m truly grateful sa GMA for giving me this opportunity. I learned a lot on this project. It’ was one of the hardest I’ve ever done, but it was one of the most satisfying. I am truly honored and proud. Salamat sa lahat ng nagmahal sa character ni Enzo.”
Maraming nalungkot sa nalalapit na pagtatapos ng serye, mami-miss daw nila sina Ponggay (Ashley) at Enzo (Xian), na napapanood Mondays to Fridays, 8:50 p.m.
(NORA V. CALDERON)
-
Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water. “Talagang downhearted ako. If we cannot work together […]
-
BARBIE, inaming budget na lang at right timing ang kailangan para magpakasal kay JAK
SIMULA noong Lunes ay muling napapanood ang Kapuso Princess na si Barbie Forteza sa GMA Telebabad, gayundin sa GTV at Heart of Asia Channel hanggang sa Biyernes. Pinagbibidahan ni Barbie ang I Can See You: The Lookout kunsaan, ibang-iba ang role niya rito sa karaniwang napapanood sa kanya sa mga teleserye. Bukod sa […]
-
Grupo ng mga guro, suportado ang hakbang ng DepEd na ihinto ang Best Implementers sa “Brigada Eskwela”
MALUGOD na tinanggap ng isang grupo ng mga guro sa buong bansa ang hakbang ng Department of Education na ihinto ang paggawad ng pinakamahusay na Brigada Eskwela implementers para sa school year na ito. Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na sinusuportahan nito ang desisyon ng DepEd kasunod ng mga ulat ng […]