• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahusay na cybersecurity ng Philippines, inilahad ni Marcos sa Davos

ISINULONG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ang mahusay na cybersecurity system sa bansa.

 

 

Sa nasabing forum, inilahad ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng mas mahusay na cybersecurity system para mapangalagaan ang mga sensitibong impormasyon.

 

 

Iginiit pa ng Pangulo na isang malaking isyu ang seguridad kaya kailangan na makalikha nang mas matatag at mas matibay na sistema laban sa cyber attack.

 

 

Inamin din ng Pa­ngulo na napakabagal ng internet connectivity sa Pilipinas kaya kailangan pa ng pamahalaan na maikonek ang milyun-milyong Filipino at maisulong ang digital economy.

 

 

Nakakalungkot din umano na base sa mga isinagawang pag-aaral ay nag-uusap ang mga Filipino at nagpapaabot ng kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng internet subalit hindi kinakausap ang gobyerno.

 

 

Dahil dito kaya kumikilos na ang mga lokal na pamahalaan para matiyak ang siguradong internet connectivity infrastructure sa kanilang mga nasasakupan upang mara­ting at makaugnayan ang kanilang mga residente na nasa malalayong lugar.

 

 

Sinabi pa ni Marcos na ito ngayon ang ginagawa ng gobyerno para bubuin ang data basis ng gobyerno at isa na rito ang paggamit ng national ID para mapabilis ang public at private transactions.

 

 

Inihayag din niya na welcome sa pamahalaan ang anumang tulong para mapasigla ang mga i­nisyatibo sa digitalization.

 

 

Nabatid na sa ilalim ng administrasyong Marcos pinagana muli ang libo-libong mga dating off-line areas na nasa ilalim ng broadband ng masa at libreng wifi program ng Department of Information and Communication Technology (DICT). (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • PhilHealth may bagong spokesperson

    MAYROON nang bagong tagapagsalita ang Phi­lippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).     Sa abiso ng PhilHealth kahapon, nabatid na ito’y sa katauhan ni Dr. Israel Francis A. Pargas na siyang Senior Vice President ng Health Finance Policy Sector.     “Please be informed that effective immediately, PhilHealth’s new spokesperson is Dr. Israel Francis “Doc Ish” […]

  • Ads February 17, 2022

  • Paalala ng DILG sa LGU, huwag bumili, gumamit ng luxury vehicles sa mga operasyon

    BAWAL  bumili o gumamit ng mga  luxury vehicles ang Local Government Units (LGUs) para sa kanilang operasyon.     Ito ang naging paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa LGUs kasabay ng naging panawagan ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga  LGU officials “to exercise due prudence and comply with […]