• May 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, JUDY ANN at RYAN, bakunado na rin at hinihikayat ang netizens; ‘wag ding maniwala sa sabi-sabi

SUNUD-SUNOD na ang mga celebrities, na pasok sa A4 category ang media at entertainment industry, na nagpapabakuna ng COVID-19 vaccine at kabilang na nga ang Eat Bulaga dabarkads na si Maine Mendoza.

 

 

Sa kanyang Instagram post, makikita ang photos na pagpaturok ng bakuna na pinusuan naman ng netizens.

 

 

Caption ng tv host/actress, “I got my COVID-19 Vaccine!.

 

 

“Got my first dose! Thank you, MandaVax!”

 

 

Paghihikayat pa niya sa netizens, “Do your part and get vaccinated, dabarkads!”

 

 

Ang iba pang celebrity na nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera; Barbie Forteza at Jak Roberto; Ruru Madrid at Bianca Umali; ; Regine Velasquez at Ogie Alcasid; Iya Villania at Drew Arellano; Aga Muhlach at Charlene Gonzalez kasama ang na sina Andres at Atasha, Kim Chiu, Jane Oineza at RK Bagatsing; Maris Racal at Rico Blanco, Aiko Melendez, Gretchen Barretto, Glaiza de Castro at JM de Guzman.

 

 

Kasama rin sa A4 ang mga delivery service rider, self-employed, at iba pang manggagawa na kailangan pumasok sa trabaho.

 

 

***

 

 

NAKAPAGPABAKUNA na rin ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos noong Lunes, June 21.

 

 

Sa MMDA (Metro Manila Development Authority) office sila nabakunahan ng AstraZeneca.

 

 

At sa post ni Juday, hinahikayat niya ang lahat na magpabakuna kahit may natatakot pa rin, kung may pagkakataon para kaligtasan at makaiwas sa matinding epekto ng COVID-19 virus na mayroon na namang bagong variant na nakapasok na sa bansa.

 

 

“First jab! pabakuna na po tayo.. para sa mga mahal natin sa buhay at para may panlaban tayo sa bawat strain ng covid.. nakakatakot ang magkaroon ng covid.. mas nakakakampante po ng loob ang pagpapabakuna kesa maniwala sa mga naririnig nating sabi sabi at haka haka sa paligid natin…?      “#mmdammffvaccineprogram.”

 

 

Sa naturang vaccination site din nagpabakuna na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Eugene Domingo, Luis Alandy, Richard Quan at Atom Araullo.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Fans And Moviegoers May Get Advance Tickets For Warner Bros.’ “Black Adam”and Marvel Studios’ “Black Panther: Wakanda Forever.”

    FANS and moviegoers may get advance tickets now to see Warner Bros.’ epic superhero adventure “Black Adam” on the BIG SCREEN and be one of the first in the world to see it on Oct 19.   About “Black Adam”   From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.” The […]

  • EX-DPWH SEC. MARK VILLAR PASOK SA BBM-SARA UNITEAM SENATE SLATE

    Kinumpirma ni presidential aspirant Ferdinand  ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na kasama sa binubuong senate slate ng  BBM-Sara UniTeam si dating Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar.     Kabilang si Villar sa mga kasamang senatoriables ni Marcos Jr. kaninang umaga sa UniTeam Rally na isinagawa sa Bacoor City, Cavite.  Nilinaw rin ni […]

  • Social media ‘regulatory body’, pinag-aaralang itatag para labanan ang fake news

    PAG-AARALANG mabuti ng Presidential Communications Office (PCO) ang posibilidad na magtatag ng isang regulatory body para i- monitor at suriin ang social media content sa layuning tugunan ang lumalagong problema ng fake news.     Sinabi ni PCO Acting Secretary Jay Ruiz na nagpapatuloy na ang pag-uusap kaugnay sa potensiyal na paglikha ng isang social media […]