• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maine, sumuporta at hangang-hanga sa fiance: Cong. ARJO, kakaiba ang husay sa pag-arte sa ‘Cattleya Killer’

ISA sa mga big stars na sumuporta sa matagumpay at star-studded na blue carpet screening ng newest Amazon Exclusive crime-thriller na ‘Cattleya Killer’, last May 12 na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall, ang fiancee ni Congressman Arjo Atayde na si Maine Mendoza, na tahimik lang na nanood sa taas ng sinehan.

 

Nagkaroon kami ng short interview sa host ng ‘Eat Bulaga’ katabi ang mother-in-law to be na si Sylvia Sanchez.

 

Unang natanong ang reaction niya sa performance ng boyfriend after mapanood ang pinagbidahang ‘Cattleya Killer’
Sagot niya, “mahusay, napakahusay. Wala akong masabi.”

 

Sobra ba siyang proud, “super.”

 

Dagdag pa ni Maine, “lalo na kay Tita, as a mom.” at biglang napahawak sa mukha ni Maine si Sylvia.

 

“As a mom to Ria, Arjo and to me,” tugon pa ng masayahin at mahiyaing si Maine at nagsigawan ang mga press people.

 

Sagot naman ni Ibyang, “malapit na,” sabay hakap kay Maine.

 

Pagpapatuloy pa ni Maine, “ang galing, ang galing, ang galing. Congrats Tita.”

 

“Well, wala akong masabi,” tugon naman ng premyadong aktres na producer na rin.

 

Napansin ni Maine na parang naiiyak na raw si Sylvia, “hindi, basta… magaling ‘yung mapapangasawa mo umarte.”
Sagot naman ni Maine, after muling magyakapan, “mahusay kayong lahat. Kanino pa ba magmamana?” patungkol niya ito kay Sylvia.

 

Kaya ganun na lang ang pasasalamat nito, “Thank you, thank you sa pagdating.”

 

Anyway, ang 6-part series ay batay sa classic Pinoy film na ‘Sa Aking Mga Kamay’ (In My Own Hands), na hatid ng ABS-CBN International Production at Nathan Studios (nina Sylvia, Arjo at Ria).

 

Mapapanood na ito sa Prime Video sa June 1 sa mga piling teritoryo gaya ng Southeast Asia, Hong Kong, at Taiwan.
Ang naturang serye ang kauna-unahang collaboration sa pagitan ng Prime Video at ABS-CBN, na nagbibigay ng plataporma para sa mga kuwento at talentong Pilipino na maabot ang global audiences.

 

Tampok nga sa ‘Cattleya Killer’ ang isang kahanga-hangang cast, na pinagbibidahan ng Best Actor sa 2020 Asian Academy Creative Awards na si Cong. Arjo, kasama sina Jake Cuenca, Zsa Zsa Padilla, Jane Oineza, Ria Atayde, Ricky Davao, Nonie Buencamino, at Christopher de Leon, na muling gagampanan ang papel bilang Joven de la Rosa mula sa orihinal na pelikula.

 

Sa first episode na tumagal ng halos isang oras, nagpakita agad ng kahusayan ni Arjo, mula simula hanggang sa dulo ng episode, na kung saan nagpakita siya ng iba’t-ibang klaseng emosyon. Halos lahat nakapanood ay puring-puri ang aktor, na meron na namang ipinakitang kakaibang husay sa pag-arte.

 

Stand-out din ang performance ni Rafa Sequion-Reyna at Ketchup Eusebio. Ang ganda rin ng tandem nina Nonie at Ria, Ricky at Jane na palaban sa kanyang eksena.

 

Actually, halos lahat nang nasa cast ay mahuhusay at perfect sila sa kani-kanilang role. Ipinakita rin ang ilang eksena sa next episodes, na tunay ngang kapana-panabik at kagimbal-gimbal. Kaya for sure, pag nasimulan ay hindi mo na tatayuan ang 6-part series.

 

Samantala, ang classic ’90s film na ‘Sa Aking Mga Kamay’ (In My Own Hands), ay available din sa Prime Video, sa direksyon ni Rory B. Quintos at pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Chin Chin Gutierrez, at Christopher de Leon.
Na hinihikayat ang mga viewers panoorin muna, bago dumating ang premiere ng ‘Cattleya Killer’ sa June 1.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya

    HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya.   Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally.   “Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make […]

  • PBA, nagpadala na ng liham sa IATF para payagan ang team practices

    Nagsumite na umano ng pormal na liham ang PBA sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa posibilidad ng pagsasagawang muli ng mga team practices sa buwan ng Hulyo.   Kaugnay pa rin ito sa ginagawang mga preparasyon ng liga para sa posibleng pag-usad muli ng 2020 season na pansamantalang sinuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.   Sa […]

  • PBBM, ipinag-utos ang “major reform” para labanan ang smuggling, tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo

    NAIS ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng reporma sa burukrasya para labanan ang smuggling, babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagnenegosyo.  Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa. Sa isinagawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang […]